By A Web Design Company
Masaganang Baong Taon!
- Saturday, 31 December 2011
- Written by Jenny Ortuoste
MASASABING "innovative" ang bagong pamunuan ng Philippine Racing Commission sa ilalim ng pamunuam ni chairman Angel Castaño Jr. at commissioner/executive director Engr. Jess Cantos.
Mayron silang sa formulate at sinusundan na roadmap para sa kanilang administrasyon sa ilalaim ng polisiya ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ang pamagat ng Philracom roadmap ay "TRIP" - Transparency, Responsiveness, Innovations and Policy Driven. Bilang bahagi nito, nagpa-medical mission ang Philracom sa San Lazaro Lesiure Park racing community noong Disyembre 2.
Ayon kay Philracom Project coordinator Eric de la Cruz, ang Philracom medical mission sa nagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga lisensyado ng Philracom na mga sota, sota helper, magbabakal, enseyador at ang kanilng mga pamilya.
Ang natulungan ng medical mission ay 302, kung saan ang karamihan ay ang mga sota at helper (124) mga bata at sangol (92), at maybahay (58).
Ang mga participants s medical mission ay mga taga Philracom (19), 12 duktor (dalawa mula sa MJC, isa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office, dalawa mula sa Philracom, at pitongvolunteers), at pitong volunteer nurses.
Para sa transport ng personnel at gamit, nagpahiram ang MJC, Philracom at Philippine Racehorse Trainers Association ng mga vans.
Ang PCSO naman ay nagpadala ng mobile clinic at ambulance, at nagbigay ng mga gamot.
Ang susunod na Philracom medical mission ay gaganapin sa Santa Ana Park bago mag-Valentine's Day. Pinaghahandaan ng Komisyon ang pagbigay ng karagdagang serbisyong medikal tulad ng dental services (pagbunot ng ngipin), minor surgery (sugat), x-ray at libreng hair-cut sa mga lisensyadong sota at kanilang pamilya.
Magandang balita ito at inaabangan natin ang iba pang proyekto ng Philracom sa ilalim ng TRIP program na makakatulong sa racing community.
Masaganang Bagong Taon sa lahat at sana'y lagi nating tangkilikin ang karerang Pilipino!
Last Updated on Wednesday, 11 January 2012 09:37



