By A Web Design Company
Jockey Val Dilema Umaasam ng Jockey of the Year
- Monday, 02 January 2012
- Written by Andy Sevilla
Ibayong pagsusumikp na makuha na ang pinakahahangad na Jockey of the Year.
Ito ang isa sa New Year's resolutions ni jockey Val Dilama, habang nakabakasyon sa tatlong nagdaang linggo habang wala siya sa karera.
Si Val, ang nakatatandang kapatid ni jockey Pati at nakababatang kapatid naman ni jockey Hermie, ay napenahan ng foul-riding sa kabayong Humble Riches noong Diyembre.
Naging mapait siyempre ang nasabing insidente kay Val dahil magpa hanggang ngayon ay sinasabi niyang wala siyang kasalanan sa penalty sa kanya ng 2011 Philracom Juvenile Championship.
"Masyadong malayo ang distansya ko kay Hagdang Bato nu'ng pumalo ako ng kaliwa at makikita yan sa video na naglalabasan (viral) na ngayon sa Youtube. Nag change-lead yung kabayo ko kaya nakasama yun nu'ng pumalo ako sa pagpadpad niya sa pkaliwa. Wala akong intensyong mang-abala lalo na kaya ay mang-foul sa karerang yun", ang sabi ni Valhabang nasa isang resort nang makausap sa telepono ng Abante Tonite.
Naging daan danw ang kanyang pagbabakasyon para makapahinga at makasama namn ang kanyang pamilya ngayong kapaskuhan.
"Maganda ang naging bakasyon ko dhil medyo nakapagtabi naman ng kaunti para may panggastos", dagdag pa niya. Sinabi ni Val na ngayong 2012 nais niyang mgpursigi ng husto para makuha ang kanyang pinakakaasam na Jocky of the Year honors.
"Minsan ko nang kamuntik ng makuha yun pero nakahulagpos pa. Sana naman ngayong taon eh magkaroon na ako ng magandang pagkakataon", sabi pa ni Val.
Mismong ang kanyang kapatid na si jockey Pati ang tumalo sa kanya sa Jockey of the Year Honors noong 1999 dahil nabigyan siya ng one-year suspension isang buwan bago matapos ang nasabing taon. "Lamang na ako sa overall standings noon nag masuspinde ako ng Nobyenbre."
Ngayong taon, maraming mga kabayong hinanda, naihanda, at inihahanda si Val sa iba't ibang mga horseowners at stables na sa tingin niya ay pwedeng isabak sa mga mallaking karera, isa na nga rin dito siyempre si Humble Riches, na tiyak niyang mag-umento pa ng husto ngayong taon. "Matibay ang puso ng kabayong ito, sa tingin ko ay kayang mag-umento pa ng husto. Malaki pa ang maiuunlad niya sa karera, kayang lumaban ng sabayan kahit kanino".
Isa si Humble Riches sa mga tinitignang paborito sa Triple Crown Series ngayong taon kasama ng marami pang mga 3-year-old contenders na inaasahang maglalabas pa ng buti para sa isa sa pinakamalaking serye ng taon.
"At siyempre, paghhandaan ko rin ang kampanya ko para sa Jockey of the Year na matagal ko n ring pinakaasam-asam", dagdag pa ni Val
Last Updated on Wednesday, 11 January 2012 09:37



