By A Web Design Company
Ang Karera noong 2011
- Tuesday, 03 January 2012
- Written by Jenny Ortuoste
Naging isang eventful year ang 2011 para sa racing ngunit natapos ito sa maganda na nagbabadya ng mas magaganda pang hinaharap.
Nakita nating nag-domina and ilang kabayo sa either sa dami ng pinanalo nila o sa gandang track times. Kasama na sa mga umalingawngaw na pangalan ay Yes Pogi(pa rin), Magna Carta, Humble Riches, at Gentle Irony, na sa kani-kanilang mga paraan ay nagpakita ng gilas itong 2011.
Nagkaroon ng Bagong Board ang Philippine Racing Commission. Nag-turn over si Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II ng kanyang paka pinuno ng ahensiya kay incoming chairman Angel L. Castano, Jr. Si Atty. Rojas naman ay kasalukuyang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Kasama ni Castano sa mga baguhan sa board ay sina bagong commissioners engineer Jess Cantos at Atty Franco Loyola, at nanumbalik naman sina Dr. Reynaldo "Eyo" Fernando, Atty Victor Tantoco, at jockey Lyndon Guce,
Nagpursigi pa rin, sa gitna ng hagupit ng krisis pang-ekonomiya, ang iba't ibang organisasyon sa pag-handa ng kani-kanilang mga racing festival-ang Klub Don Juan de Manila tuwing Oktubre at 3rd Mayor Bagatsing Festival tuwing Agosto sa SLLP, at Philtobo Grand Championships sa Disyembre sa Sta Ana Park.
Nitong mga huling buwan din taon inilunsad ng Philracom ang TRIP(Transparency, Responsiveness, Innovations, and Policy-Driven) program. Naging bahagi nito ang pagdaos ng Dalaw Kapamilya program na parang reverse "show and tell"- sa programang ito, ang mga kapamilya ng mga empleyado ng Philracom ay dumalo sa opisina, kung saanay nakita nila kung sino ang kinasasakupan ng trabaho ng mga taga – Philracom. Nariyanang masakit na pagpanaw ni horseowner/breeder at MARHO director Jose Mari Franco bago mag-Pasko. Marami siyang kontribusyon sa industriya , at ang alaala niya ay mananatiling sariwa sa isipan ng kanyang mga kaibigan sa karera.
Kabilang sa mga matagumpay na year ender ang Philracom-sponsored 1stVP JejomarBinay Cup para sa Alay sa Kawal Foundation, noong Dis. 24 sa SLLP.
Malugod nating salubingin ang bagong taon, at sana ihahatid ng 2012 ang mas marami pang karerang masaya at maaksyon! Masaganang Bagong Taon sa lahat!
Last Updated on Thursday, 05 January 2012 13:02



