By A Web Design Company
GARNET I, bibitiwan ng San Lazaro Leisure Park
- Wednesday, 11 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Umaatikabong bakbakan ang magaganap sa buwenamanong pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang 2012 Garnet Stakes Race na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite bukas ng hapon.
Maghaharap ang limang mananakbong imported para sa 1st Leg Imported_Local Challenge race na tatawid sa 1,600 meters.
Pangungunahan ng Gentle Irony at Juggling Act ang 1st Leg Imported Local Challenge na may premyong P.5 milyon.
Kabilang sa mga makakalaban sa nasabing karera ang Forever My Love,Indy hay at Take Me Tonight.
Pagkakalooban ng P.3 milyon ang magkakampeon habang P112500 sa 2nd Placer, P62,500 sa 3rd placer at P50,000 sa 4th.
Inaasahang hahataw sa benta sa takilya ang couple entry na Juggling Act at Gentle Irony na tiyak na papaboran ng publikong karerista.
Ang Indy Hay ang posibleng maging banta sa dalawang kampeon na kalahok ng Morales Stable.
Naniniwala ang mga karerista na ang Gentle Irony ang magmamando ng karera sa unahansa pagbukas ng aparato at posibleng di abutan ng mga kalaban.
Sa darating na Enero 11, kasabay sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng Manila Police District, ilulunsad naman ang MPD Stakes race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Kaya mga igan, magkita-kita tayo roon at suportahan po natin ang naturang pakarera ng MPD.
Last Updated on Wednesday, 11 January 2012 11:20



