By A Web Design Company
Nagkahiwalay na ng landas
- Tuesday, 10 January 2012
- Written by Andy Sevilla
Ngayong nagkahiwalay nang landas ang dating magkakuwadrang si Juggling Act at Gentle Irony, nalaman noong Linggo kung sino ang pwedeng makauna ng panalo sa kanilang rivalry.
Nanalo sa2012 Philracom Garnet I Stakes, nagsilbing unang leg ng Imported-Local Challenge Series, si Gentle Irony laban sa apatna nakalaban, kasama na nga ang naterserongdatingstablemate na si Juggling Act (na ngayo'y nasa ibang kwadra na).
Nagkaroon ng pagbabago sa mga hinete ng dalawang kabayo ng palitan ni jockey Chris Garganta si Jockey Fernando Raquel Jr. habang si jockey Jonathan Hernandez naman ang pumalit kay Jockey Jesse Guce.
Malayong nanalo si Gentle Irony para tangayin ang pangunahing premyong P300,000 habang si Indy Hay naman ang nakakuha ng Segundo premyong P112,500. Tersero lang si Juggling Act para sa P62,500 habang P25,000 ang naisalba ng quarto na si Forever my Love. Panlima lang si Take Me Toninght.
May mga balitang umabot daw sa seven figure ang pagkakabili kay Juggling Act ng bago nitong kuwadra.
• * * *
May balita kaming nakalap na tatlong lisensyadong racing personnel ng PhilippineRacing Commission ang sinuspinde umano ng ilang buwan ng mga awtoridad.
Isa umano ay club handicapper, isa ay club steward, ang isa ay club steward, ang isa naman ay veterinarian.
Marami na raw naging violations sa karera ang mga ito kaya napenahan na bilang mga lisensyado ng Philracom.
• * * *
Pinag-aaralan daw ng husto ng Philracom ang mga pagsasagawa ng mga stakes races para maiwasan na ang pagkakadikit-dikit ng karera na sasalihan ng magagaling na kabayo sa bansa.
Masyado kasing nagkadikit-dikit ang ilang matitinding karera kagaya ng Juvenile races noong nakaraang taon.
Isang halimbawa yung dalawang malaking juvenile championships na halos isang lingo ang nagging pagitan.
Ang nangyari tuloy ay namili na lang ng sasalihan ang mga lumahok dahil hindi sila puwedeng magdalawang sunod na lingo ng matitindingtakbuhan.
• * * *
Last Updated on Thursday, 12 January 2012 10:52



