By A Web Design Company

Komisyon, Nag-Suspinde!

  • PDF

KARERA LANG!
by Jenny Ortuoste for Bandera

Nakasagap tayo ng balita na may tatlong licensees na sinuspindi kamakailan ng Philippine Racing Commission.

Ito'y isang steward, na napatawan ng 2 months' suspension para sa "conduct unbecoming for a Philracom licensee"; isang racing club handicapper, 3 months' para sa "abuse of authority and discretion in handicapping procedures"; at isang beterinaryo, 6 months' para sa iba't-ibang mga offenses.

Mabibigat na parusa ang mga ito at ang pinapahiwatig na mensahe nito sa publiko ay ang pagka-seryoso ng Philracom pagdating sa race conduct.

May isa ring balita, hindi pa confirmed as of presstime, na may isang kilalang hinete, kabilang sa top five ranking, na sinuspinde motu propio ng Philracom dahil sa ilang mga kwestiyonable niyang sakay.

Dito nakakatiyak ang bayang karerista na mailalagay nila ang kanilang pananalig sa sport ng horseracing, na masugid na binabantayan ng Komisyon.

* * * * *

Samantala, as of presstime rin, ongoing pa ang multi-sectoral meeting ng racing/breeding industry sa Philracom.

Kabilang sa mga nagsipagdalo ay mga horseowners (Atty. Ramon "Dondon" Bagatsing Jr. para sa MARHO, Jun Almeda para sa Klub Don Juan de Manila, at Robert Francisco para sa Philtobo), hinete (Oyet Alcasid and Domeng Vacal ng New Philippine Jockeys Association), trainers (official representative nila ay si Pablito Guce), at racing clubs (Dan Valmonte para sa Philippine Racing Club-Santa Ana Park at Ding Magboo para sa Manila Jockey Club-San Lazaro Leisure Park, parehong racing managers).

Presiding over the meeting naman para sa Komisyon ay si chairman Angel L. Castaño Jr. Kasama rin niya ang mga commissioners na sina Engr. Jess Cantos (concurrent executive director), Dr. Reynaldo Fernando, Atty. Victor Tantoco, at Lyndon Guce.

Malalaman natin sa susunod na kolum ang mga napag-usapan sa nasabing pagpupulong ng mga taga-karera.

Karera lang – walang personalan! *** Email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it / Blog: http://jennyo.net / Facebook: Gogirl Racing

Last Updated on Wednesday, 11 January 2012 12:59