By A Web Design Company
Don Emilio Yap, iba pa, pararangalan sa anibersaryo ng MPD
- Thursday, 12 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Bago ang lahat nais muna nating batiin ang aming Big Boss na Manila Bulletin na si Don Emilio Yap na gagawaran ng parangal sa ika-111 anniversary ng Manila Police District bukas ng umaga sa Philamlife Auditorium sa United Nation Avenue sa Ermita, Manila.
Ang paggawad ng parangal kay Mr. Yap ay dahil sa malaking naiambag na tulong nito sa pamunuan ng MPD at patuloy na pagsuporta sa pinakamatandang tanggapan ng pulisya sa bansa
Bukod kay Sir Yap, pararangalan di si Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman Angelo Castañ, mga napiling outstanding policeman ng MPD at mga negosyante.
Pangungunahan ni MPD Director Senio/Supt. Alex Gutierrez ang pamamahagi ng parangal kay Sir Yap at iba pa.
Inaasahan na magiging pangunahing panauhing pandangal sa naturang okasyon si dating Manila Police Chief ret. Lt. General at Manila Mayor Alfredo Lim.
Kasabay sa pagdaraos ng anibersaryo mg MPD ay ang pagdaraos naman ng MPD Stakes race sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite bukas ng gabi.
Isaasahan na magsisilbing atraksiyon sa "Bayang Karerista" ang MPD Stakes race na may walong karerang bibitawan sa karerahan ng Philippine Racing Clun, Inc. (PRCI).
Sa mga suki nating karerista, goodluck na lang sa inyong lahat at sana ay magtagumpay kayo sa Winner Take All event.
Last Updated on Thursday, 12 January 2012 14:12



