By A Web Design Company
Suportahan ang MPD race ngayon
- Thursday, 12 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Nililinaw ng pamunuan ng Balita na ang selebrasyon ng ika-111 anibersaryo ng Manila Police District (MPD) ay idaraos ngayon, dakong 8:00 ng umaga, sa MPD Headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila at hindi sa napaulat na Philamlife Auditorium na karatig nito.
Muli naming binabati si Manila Bulletin Chairman Don Emilio Yap at pati na ang iba pa na gagawarang ng parangal sa naturang okasyon.
Isang panawagan sa "Bayang Karerista" upang makatulong sa scholarship program ng Manila Police District (MPD) suportahan po natin ngayon ang ika-111 anibersaryo ng Manila Poice District race bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Siyam na mananakbo ang maglalaban na pangungunahan ng Chi Chi's Eyes, Halo Dancer, Lasting Rose, Madame Dixie, Good as Gold, Yes Beauty, Silver Groom, The Reason Why at Poker Chip.
Magsisilbing pambuwena mano sa karera ang Class Division 7 sa race 1 na paglalabanan ng anim na magagaling na mananakbo at pinapaboran ang Pot Pot's Love at Zenyales.
Magsisilbi ring pampabuwenamano sa ika-111 anibersaryo ng MPD race ang Winner Take All event sa race 2 kung saan ay tatawid magkakalaban sa distansiyang 1,300 meters.
Puwedeng isama sa listahan sa inyong mga paratingan sa WTA sa race 3 ang Power Negotiator at Golden Ange.
Sa race 4, nakalalamang ang couple entry na Divine at Dy San Diego habang magsisilbing mahigpit na kalaban ang Tigerous Queen at La Furia Roja, habang sa race 5 ay nariyan naman ang Tale To Tell at Wandrous Wind.
Mahigpit naman ang magiging labanan sa race 6 sa pagitan ng siyam na kalahok sa Class Division 1 na tatawid sa distansiyang 1,300 meters.
Isama sa paratingan ng WTA ang Bruno at Bahala Na sa race 7 habang sa race 8 ay isama din ang Deceiving at Airway sa inyong listahan ng Super Six at WTA events.
Last Updated on Thursday, 12 January 2012 14:11



