By A Web Design Company
Matunog na stallion
- Friday, 13 January 2012
- Written by Andy Sevilla
Isang pumapatok na stallion ngayon sa buong mundo ay itong si Empire Maker, na ang mga anak ay laging hinahabol ngayon sa mga auction at sales sa buong Amerika.
Noong isang araw ay isang bay filly ni Empire Maker mula sa inahing Ticker Tape (by Royal Applause) ang nabili ng $400,000 sa Keeneland January horses of all ages sale.
Isa pang balita na nakarating sa atin ay ito namang isang matinding anak ni Empire Maker na si Royal Delta (ang nanalo sa nakaraang Breeders' Cup Ladies' Classic) ay nagsisimula nang sanayin para sa kampanya niya ngayong 2012 matapos na mabili ng nakakalulang $8.5-million ni Ben Leon ng Besilu Stables sa Keeneland November sale.
Nakatakdang isali raw ito sa $10-million Dubai World Cup sa katapusan naman ng Marso sa Meydan Racecourse sa Dubai.
It's good for me and everyone else in the barn. The people that were able to work around her before are excited to have her back; it's just good for the morale of the stable. It gives us all something to look forward to this year. It's a new challenge for us this year to keep things going. Mott said the main goal for the first half of the season is the March 31 World Cup, but he is undecided whether she will have a prep leading up to the world's richest race. We'll train her this month and see. We'll keep that option open. The World Cup is the goal for the first half of the year. We'll move in that direction. If all is well we'd love to run back in the Breeders' Cup in the fall. She would obviously have a break after Dubai if we do go, and than we'll start up the second half of the year and hit some of the nicer filly races. "ang sabi ng batikang trainer na si Bill Mott, na pinagkatiwalaang muli ng bagong may-ari para i-train si Royal Delta.
***
May nag-react na reader tungkol sa isinulat nating abot-kamay na ni Jockey Jesse Guce ang kanyang "ikalawang Jockey of the year award".
Hindi puwedeng sabihin na jockey of the year ang isang hinete kung hindi siya ang unanimous choice ng maga award-giving bodies sa atin ngayon.
Totoong nakuha ni jockey Jesse ang kanyang jockey of the year award mula sa PSA noong nakaraang taon, pero hindi naman siya ang itinanghal ng Philtobo kundi si Jockey Jonathan Hernandez. Isa pang nagbibigay ng award ay ang mismong grupo ng mga hinete ng NPJA.
Iba-iba kasi ang criteria na ginagamit ng nasabing mga award-giving bodies kaya hangga't hindi siya ang unanimous choice ng mga ito, mahirap sabihing siya ang jockey of the year.
Last Updated on Friday, 13 January 2012 09:07



