By A Web Design Company

Hagdang Bato Paborito

  • PDF

Tatlo kabayo ang maglalaban para sa 2012 Philracom Garnet 1 Stakes na gaganaping mamayaang hapon sa Santa Ana Park.

Ito ang unang malaking prep race para sa mga kakandidatong lalakeng 3-year-olds para sa 2012 Triple Crown Series na paglalabanan sa distansyang 1,600 meter at may kabuuang papremyong P475,000.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan nina" Ikel-Antonio Alcasid, Jr.,; Hagdang Bato-Jonathan Hernandez ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos Jr.,; at Tribal King--Jesse Guce ni Engr. Ed Parunga

Ang mananalo sa karerang ito ay mag-uuwi ng pangunang premyong P300,000 habang ang segundo't tersero naman ay bibigyan ng P112,500 at P62,500. May bonus na P15,000 naman ang breeder ng mananalong kabayo rito.

Hindi na magkakaroon ng tayaan sa karerang ito dahil sa pag-ayaw ng isang nakadeklarang kalahok na si Purple Ribbon.

Dahil na rin sa malaking panalo niya sa 2011 Philracom Juvenile Championship, tinitiyak na ang pagiging paborito ni Hagdang Bato sa karerang ito.

Siya rin ang isa sa mga inaasahang magiging matinding challengers sa darating na Triple Crown Series na magsisimula sa Mayo.

Magkakaroon din ng Santa Ana Park-Naic 4th Anniversary Trophy Race na paglalabanan ng pitong mga kabayo sa distansyang 1,200 meters. Meron itong added prize na P15,000, P5,000, at P3,000 para sa first, secong and third place horses.

Samantala pinaglabanan din kahapon (as of press time) ang unang prep race naman para sa mga babaeng 3-year-olds na pinaglaanan din ng Philracom ng papremyong P500,000,

Anim na kabayo ang lumahok sa karerang ito na pinaglabanan din sa parehong distansyang 1,600 meters. Sila'y sina Dajorca--Jeffril Zarate, Etcetera--Mark alvarez, Cat's Diamon--Kelvin Abobo, Storm Blast--Fernando Raquel Jr., Time to Shine Dad--Jesse Guce, Cheese Blanca--Jonathan Hernandez.

Maraming mga prep races ang isinasagawa mula ngayong buwan hanggang sa Abril, isang buwan halos bago magsimula ang mayamang serye para sa mga kabayong 3-taon ang gulang.

Ang Phiracom ay naglalalan ng kabuuang P12 milyon sa tatlong-leg na serye kung saan P3 milyon ang pinaglalabanan sa bawat major leg at P1 milyon naman ang para sa Hopeful Stakes na kaakibat lagi ng nasabing major leg. Dito sumasali ang mga 3-year-olds na hindi sumasamang lumaban sa malaking karera.