By A Web Design Company
Hagdang Bato, pinapaboran sa Garnet
- Monday, 16 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Lubhang pinapaboran ng 'Bayang Karerista' ang alaga ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na Hagdang Bato sa nakatakdang 2012 Philracom Garnet III na gaganapin sa Santa ana Park sa Naic, Cavite ngayong hapon.
mahigpit na makakalaban ng Hagdang Bato ang alaga ni Hermie Esguerra na Purple Ribbon at iba pang kalahok na Ikel at Tribal King.
Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 1,600 meters na may premyong P.5 milyon at tropeo na ang tatanghaling kampeon ay pagkakalooban ng P.3 milyon.
Mabibiyayaan naman ng P112,500 ang 2nd placer, habang P62,500 ang 3rd placer at P25,000 sa 4th placer. Nakalaan rin ang P15,000 para sa horse breeder ng nagwawaging kalahok.
Inaasahan na aapaw ang benta sa itinuturing na Juvenile champion na Hagdang Bato na lubhang inihahanda sa nalalapit na Triple Crown championship ngayong taon.
Pagkatapos ng Garnet stakes race, posibleng isunod din ang Amethyst Stakes races na may kabuuang premyong P1.5 milyon na hahatiin sa tatlong pakarera.
Sa Amethyst 1, ilulunsad ang 2nd Leg Imported/Local Challenge race habang ang Amethiyst 2 at 3 ay paglalabanan ng 3-Year-Old Filles at Colts runners. Pawang may tig P.5 milyon premyo ang nakalaan kung saan ang mga magwawagi at tatanggap ng P.3 milyon at tropeo.




