By A Web Design Company

Royal Blood angat sa 4th Anniversary Trophy Race

  • PDF

Abot-kamay na ng Royal Blood ang primero puwesto sa Santa Ana Park-Naic 4th Anniversary Trophy Race ngayong LInggo sa Santa Ana Park Sa Naic, Cavite.

Kontra sa limang iba pang kalahok an magka-couple entry na Expedition at Muralla, Ako ang Boss, Jag alskar Jig, Gogosnakegosnakego at Damasuria, ang Royal Blood ay inaasahang hahakot ng malaking taya sa larangan ng pustahan.

***

Tila patuloy na ipinagwawalang-bahala ng pangasiwaan ng Philracom ang pagsasaayos sa kanilang malalaking pakarera para sa ikauunlad ng karera sa bansa.

Muling nagpakita ng kakulangan sa paghahanda ang naturang opisinang itinatag para sa kapakanan ng industriyang ng karera.

Halimbawa na ang pakarerang 2012 Philracom Garnet III na nakatakdang bitawan ngayong LInggo sa alas-4"20 ng hapon.

HIndi nagkaroon ng pustahan ang naturang pakarera subalit patuloy na ipagkakaloob sa mga mananalo ang papremyong nakalaan sa karerang ito.

Maliwanag na sinayang lamang nila ang mga papremyong wala man lamang ni isang kusing na pakinabang sa larangan ng pustahan ang gobyerno at 'bayang karerista.'

Huwag nilang bigyang katuwiran ang biglang pag-urong ng ilang kabayong nakatakda sanang tumakbo sa naturang karera.

Nasa kanila ang pagkakamali dahil hindi nila napaghandaan ang naturang pangyayari na nararapat sanang nabigyan ng lunas.

Ano kayang hakbang ang nararapat gawin ni Philracom Chairman Angel Castaño, Jr. sa kapabayaan ng mga namahala sa paggawa ng naturang pakarera?

***

Nitong mga nakalipas na araw ay isang 'drumbeater' ang sumulat ng papuri sa Philracom Hinggil sa umano'y pagtaas ng pusta sa unang Linggo na karera kaysa noong nakaraang taon,

Binigyang-diin din ng taong ito ang paglalagay ng CCTV technology sa loob ng Steward Stand habang sinisiyasat ang nagkasalang hinete at ang pagbabantay sa oras ng bolahan ng mga karera.

Dahil dito ay parang bumalik ang kumpiyansa ng 'bayang karerista' sa Philracom.

At dinagdag pa na sinuspinde nila ang lisensiya ng tatlong personalidad sa karera - isang Racing Steward an pinatawan ng dalawang buwan suspensiyon, isang Racing Handicapper na may karagdanga tatlong buwang suspensiyon. Sinuspinde rin ang isa umanong 'star jockey' sa pamamagitan ng 'Motu Propio' dahil umano sa ilang nakadududang pagsakay sa nakaraang ilang karerang nilahukan.

Sa papel ay tila nagagampanan ng Philracom nang maayos ang kanilang trabaho.

Sa kasalukuyang nagaganap sa industriya ng karera sa bansa at sa oras ng karera ay totoo ba ang kanilang sinasabi?