By A Web Design Company

Philracom, nagpaabot ng kanilang pasasalamat

  • PDF

Kahanga-hanga ang dedikasyon ng bagong pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom) na maipatupad ang malaking pagbabago sa industriya ng karera sa ginagawa nitong dobleng kayod sa trabaho.

Sa pangunguna ni Chairman Angel Castaño katulong ang iba pang Commissioner na sina Executive Director Engineer Jess Cantos, Lyndon Guce, Iyo Fernando at iba pang opisyal ng Komisyon patuloy ang kanilang pagsusulong ng mga bagong reglamento na magiging hagdan ng pagbabago sa industriya ng karera.

Sa pamamagitan nito nais ni Chairman Castaño at ng board member na matugunan ang malaking problemang bumabalot sa industriya mula sa iba't ibang sector nito na kinabibilangan ng mga hinete, Board of Steward at handicapper.

Nakikitaan naman ng malaking pagbabago sa pagpapatakbo ang ilang racing club partikuklar na sa itinakdang oras nang pagtakbo ng kabayo sa araw ng karera sa dalawang pangunahing karerahan sa bansa ang Santa Ana park sa Naic, Cavite at San Lazaro Leisure park sa Carmona Cavite.

Pasasalamat naman ang ipinaaabot ng Philracom sa pamunuan ng Balita sa pagbibigay daan sa mga programang isinagawa ng komisyon ng paglilinis sa operasyon ng karera sa bansa.

Tahasang ipinaabot ni Executive Director Commissioner Jess Cantos sa pamunuan ng Balita ang suportang ibinibigay sa kanilang administrasyon kaugnay sa ginagawa nilang paglilinis sa industriya.

"Nagpapasalamat ako may pahayagang Balita na sumusubaybay sa industriya na siyang nagiging daan upang malaman ang aming ginagawa at gagawin pa sa komisyon para sa "Bayang Karerista" ani Cantos sa pahayag.

Ipinagmalaki ng bagong pamunuan na may mga horse owner na napinahan o naparusahan matapos ang mga paglabag na ginawa at  ngayon umano ay mahigpit nilang ipatutupad ang "moto pro pio" laban sa mga hineta na hindi sumusunod sa batas ng karera.