By A Web Design Company
3 Top trainers pinarangalanan
- Monday, 16 January 2012
- Written by Andy Sevilla
Muli na namang namayani si Ruben Tupas bilang Horse-Trainer of the Year nang siya ang itanghal ng kanya mismong grupong Philippine Association na pinmumunuan ni kap Abong Guce.
Si Nelson Lorica naman ang itinanghal na Winningest Trainer in Stakes Races habang si Gerry Jacob ang Longest Shot Trainer fo the year.
Ang pagbibigay ng accolade sa kanilang mga kasamahan ay pantaunang programa ng nasabing organisasyon at ngayon ay nasa ikatlong taon na.
Ilang taon na ring namamayani si Tupas dahil sa matinging performance ng kanyang mga inaalagaang kabayo sa iba't ibang mlalaking kuwadra sa bansa.
Siya ang No. 1 sa overall standing sa pinakamaraming naiuwing premyo sa loob ng 12 buwang singkad ng pangangarera.
May kabuuang P2,625,368 ang nakuhang premyo ni Tupas mula sa kanyang mga inalagaang kabayo - 132 ang nanalo, 145 ang segundo, 100 ang tersero, at 108 ang pumang-apat.
Nanalo si Lorica nang makapaglista ng walong malalaking panalo sa mga stakes races na nilahukan ng mga kabayong nasa pangangalaga niya.
karamihan ng mga panalo ni Lorica sa malalaking stakes races ay naihatid ng imported na si Juggling Act, na nabili ng isang malaking kuwadra sa bansa. Hindi na siya ngayon ang trainer nito.
Si Lorica ay nasa ika 22 sa nasabing rankings na may naiuwing premyong P777.477 sa 40 panalo, 20 segundo, 14 tersero at 18 quarto.
Si Jacob naman ay nasa ika-44 na may kabuuang premyong P449,024 sa 23 panalo, 14 segundo, 20 tersero, at 9 na quarto puwesto ng kanyang mga kabayo.
Ang dehadong panalo ng kanyang imported na kabayong si Angel Eunice ang nagbigay ng parangal kay Jacob.
Bukod sa parangal, bibigyan din daw ng tig-P20,000 ang bawat isa sa kanila, dagdag pa ni Kap Abong.
"Naging malaking incentives para sa mga kasama namin ang tatlong awards na sinimulan naming ipamigay noong nakaraang taon. Lahat sila ay nagsusumikap sa kanilang mga trabaho at lahat ay may equal chances na makakuha ng parangal basta magsisikap lang sila," ang sabi ni Kap Abong.
Naging pantaunan na ang nasabing mga parangal matapos ilunsad ni kap. Abong dalawang taon na ang nakakaraan.




