By A Web Design Company
Gentle Irony
- Monday, 16 January 2012
- Written by Jenny Ortuoste
SOURCE: Jan. 14, 2012 KLIK BANDERA
Nagpakita ng gilas ang matuling import na si Gentle Irony sa pagbukas ng stakes race calendar sa Philippine Racing Commission Garnet I noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park. Limang kabayo ang naglaban sa milyang distansiya na karerang pinanalunan ng kabayong sakay ni jockey Jonathan Hernandez at pag-aari ni Atty. Narciso Morales. Sumegundo si Indy Hay at tersero si Juggling Act.
Ang Garnet I ay ang unang yugto ng Philracom Imported-Local Challenge series, na noong nakaraang taon ay dinomina nina Gentle Irony at Juggling Act. Samantala, naging matagumpay ang multi-sectoral meeting noong nakaraang Lunes sa Philracom. Ayon kay executive director at commissioner Jess Cantos, napag usapan ang sumusunod na mga bagay" "Mas mataas ang sales ng unang raceweek ng karera ngayong taon," ani Comm. Cantos, "kumpara sa nakaraang taon maganda ang senyales nito sa pasok ng 2012. Pinag-usapan din ang makabagong taktika sa marketing tulad ng pagdaos ng racing festival tuwing "payat" na panahon, ang pagbigay ng suporta ng Komisyon sa mataas na grupo ng kabayo bukod pa sa stakes races at ang aktibong role ng Philracom sa racing supervision."
Isang ehemplo nito, aniya, ay ang paglagay ng CCTV sa kuwarto ng Board of Stewards ng bayang karerista ang mismong mga imbestigasyon ng mga tinatawag na hinete.
Sa ganitong paraan, ayon kay Commissioner Cantos, magiging mas matibay ang tiwala ng publiko sa karera. Isang pagtutuunan din ng Philracom ay ang procedure ng hancidapping at bolahan. Lahat ng mga hakbang na ito ay para masiguro na mataas ang kalidad at balanse ang mga karerang inihahain sa publiko. Ayon naman kay Philracom chairman Angel L. Castano, Jr. ang multi-sectoral meetings ay gaganapin tuwing Lunes upang laging in touch at nagko-communicate ang lahat ng sektor ng industriya, at nagkakatugma ang mga aksiyon nito na may sang ayon ng lahat ng sektor.
Karera lang - walang personalan!
Last Updated on Tuesday, 17 January 2012 08:48



