By A Web Design Company

2012 Philracom Garnet II ngayon

  • PDF

SOURCE: BALITA          Enero 14, 2012

Bibitawan ngayon sa bakuran ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang ikalawang yugto ng 2012 Philracom Garnet II na paglalabanan ng walong kalahok sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.  Nakalaan ang premyong P.5 milyon na lalahukan ng Fillies runners kung saan ay tatawid ang mga ito sa distansiyang 1,600 meters.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng Cat's Diamond, Cheese Blanca, Dajorga, Eloquences, Estcetera, Sea Princess, Storm Blast at Time to Shine Dad. Pagkakalooban ng P300,000 at tropeo ang mananalo habang P112,500 sa 2nd placer, P62,500 sa 3rd placer at P25,000 sa 4th placer.

Ngayon pa lang magkasusubukan ang mga kalahok sa mabigat na laban at inaasahan na magiging kapanapanabik ang event. Pagkatapos ng Garnet II, agad na isusunod bukas ng hapon ang Garnet III, lalahukan naman ng 3 Year-Old Colt na pawang kanditatong kalahok para sa 2012 Triple Crown Championship na pangungunahan ng Juvenile Champion ng Hagdang Bato na alaga ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.

Makakalaban ng alaga ni Mayor Abalos ang Purple Ribbon hi Hermie Esguerra, Ikel at Tribal King na tatawid din sa distansiyang 1,600 meters. Pagkakalooban din ng kaparehong premyo ang mananalo habang mabibiyayaan ng P15,000 ang horse breeder sa mananalong kalahok.

Last Updated on Tuesday, 17 January 2012 08:44