By A Web Design Company

Jessie Guce, Aristeo Puyat numero uno sa 2011

  • PDF

Source :  Bandera

Hinirang sina Jessie Guce at Aristeo Puyat bilang pinakamahusay na hinete at horse owners sa 2011 nang maitala ang pinakamalaking kinita sa nagdaang taong horse racing.

Si Guce ay nakapag-uwi ng P5,908,499.36 kinita mula sa 1,101 takbo na kinatampukan sa 238 panalo, 159 segundo, 173 tersero at 141 kuwarto puwestong pagtatapos.

Nasa ikalawang puwesto si Jonathan Hernandez na nagwagi ng P4,543,572.75 mula sa 733 sakay at 186 panalo habang si Pat Dilema ang nasa ikatlong puwesto sa P4,426,413.15 premyo sa 853 takbo at 179 panalo.

Kumabig naman si Puyat na kilala ring tumutulong sa larong bilyar, ng P12,299,884.23 matapos ang 12 buwan sa nagdaang taon at ito ay kinatumpukan ng 72 panalo, 83 segundo, 99 tersero at 62 kuwarto puwestong pagtatapos.

Hinalinhinan niya ang puwestong dating okupado ni Herminio Esguerra na sa 2011 ay nalagay lamang sa ikawalong puwesto sa P7,206,324.39 premyo bitbit ang 49 panalo lang.

Pumangalawa kay Puyat si Atty. Narciso Morales sa kanyang P11,991,243.26 (71-58-56-59).

Si Jeci Lapuz naman ang nasa ikatlong posisyong sa nakuhang P9,599,159.36 mula sa 57 panalo, 41 segundo, 56 tersero at 77 kuwarto puwesto.

Last Updated on Tuesday, 17 January 2012 09:42