By A Web Design Company
Cheese Blanca at Hagdang Bato kampeon sa Garnet Stakes race
- Tuesday, 17 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Source: Balita
Tinanghal na kampeon sa magkahiwalay na laban ang Cheese Blanca at Hagdang Bato sa pagtatapos ng Garnet Stakes race sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Unang nagpakitang gilas sa Garnet II Stakes race ang Chesse Blanca makaraang pakainin nito nang alikabok ang mga kalaban noong Sabado.
Binigo ng Cheese Blanca ang Etcetera, Dajorca at Cat's Diamond sa 1,600 meters na karera matapos sungkitin ang titulo ng Garnet II kung saan ang nagbulsa ito ng P.3 milyon.
Ang Cheese Blanca ay naorasan sa bilis na 1 minuto at 42 segundo para sa naturang distansiya.
Tumanggap naman ng P112,500 ang Etcetera habang P62,500 and Dajorca at P50,000 naman ang Cat's Diamond.
Binigo naman ng Hagdang Bato, alaga ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, ang mga kalaban na Tribal King at Ikel na lumarga sa distansiyang 1, 600 meters.
Ang Hagdang Bato ay naorasan sa impresibong record na 1 minuto at 38.2 segundo para sa nasabing distansiya.
Tumanggap naman ng P.3 milyon si Abalos sa pagwawagi ng kanyang alaga habang P112,500 ang pumangalawang Tribal King at P62,500 naman sa pumangatlong Ikel.
ang Hagdang Bato ay kandidato sa nalalapit na 2012 Triple Crown Championship at mahigpit na magiging karibal nito ang iba pang magagaling na Triple Crown runners.
Last Updated on Tuesday, 17 January 2012 09:41



