By A Web Design Company
Drug Testing, ipinatutupad ng Philracom
- Tuesday, 24 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Balita - Jan. 22, 2012
Mahigpit na ipinatutupad ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang pagsasailalim sa drug testing sa mga sota, katulong, insayador (Exercise riders) upang makakuha ng lisensiya sa kanilang propesyon na ibinibigay ng komisyon. Ang drug testing ay isinasagawa sa dalawang karerahan, ang Manila Jockey Club, Inc. (MJCI), tagapangasiwa ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at Philippine Racing Club, Inc. (PRCI), gumagabay naman sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Naging katuwang ng Komisyon ang Multilab Diagnostic & Health Services, isang DOH accredited laboratory sa Trece Martirez City sa pagsasagawa ng drug testing. Katunayan, may 115 stable workers ang isinailalim sa drug testing sa SAnta Ana Park upang makakuha ng lisensiya sa kanilang trabaho bilang mga sota, katulong at mga insayador ng mga kabayong pangarera.
Sa pakikipagtulungan ng PRCI management, naging matagumpay naman ang ginagawang hakbang ng Komisyon. Isa lamang ito sa mga seryosong programa na inililunsad sa ilalim ng pamunuan ni Philracom Chairman Angel Castano, Jr. na may suporta mula sa kanyang mga Commissioner na sina Engr. Jess Cantos, Reynaldo Fernando, Victor Tantoco, Lyndon Guce at Franco Loyola. Ipinatutupad din ng Kominsyon ang drug testing sa mga hinete upang makatiyak na walang adik na sumasakay sa mga kabayo sa gitna ng laban. Ang drug testing sa mga hinete ay ginagawa naman ng New Philippine Jockey Association, Inc (NPJAI) sa pangunguna ng kanilang pangulo na si jockey Antonio ALcasid, Jr.
Last Updated on Tuesday, 24 January 2012 16:27




