By A Web Design Company

Mabuhay ka R.B. Guce

  • PDF

Tempo - January 22, 2012

Isa na namang PInoy ang nagbigay ng karangalan sa ating bansa, this time dito naman sa maunlad na daigdig ng bayang karerista.  Jockey Ramon "Monching" Guce na nakikipagsapalaran ngayon sa ibang bansa ay tinanghal na "Jockey of the Year" recently sa Los Alamos.  Proud na proud sa iyo ang bayang karerista. No stakes race this Sunday pero next month idaraos naman ang "Amethyst I, II & III sa dalawa nating karerahan. Besides, medyo maraming kabayo naman ang nagsilahok dito sa 11-Race program  na ihinanda ng San Lazaro na pamihadong magsisibigay sa atin ng mahihigpit na palaisipan sa ating pagdidiskarte.

Kahapon (Friday) bumulaga ang longshot entry ni boss-chief Putch Puyat na Fabiola na naging dahilan upang ang 2 sets ng WTA ay magsipagbigay pa ng magagandang dibidendo. Ang 1st set nito (covering Races 1 to 7 ay may premyong P2,109.40 each para sa holder ng 237 winning tickets at ang 2nd set naman ay P27,453.00 para sa 46 tickets. Nagsipanalo rito ay ang Field Runner, Petronas, Silver Honey, Madame Dixie, Speed To Riches, Born To Be Queen, Fabiola, Boogie Wonderland at Mr. Xavier.  Walang tumama sa 2 sets ng Super Six (R1 at 9) kaya double carry over amount of P276,537.25 na idaragdag sa immediate succeeding Super Six which is the last Race ngayong Sabado habang isinusulat ko itong ating pang Linggong Silip.

 

Last Updated on Tuesday, 24 January 2012 16:25