By A Web Design Company

PCSO, di tatalikod sa Philracom

  • PDF

Balita - January 22, 2012

Nagawang maisalba ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang malaking problemang kakaharapin ng industriya ng karera sa bansa matapos mabawi nito ang anim sa may siyam na karera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagbalak bumitaw sa komisyon. Inihayag ni Philracom Commissioner Jess Cantos, as tulong ng dalawang mambabatas ng kongreso sa pangunguna nina Tarlac Congressman Jesli Lapus at Manila 5th District Cong. Amado Bagatsing, na naisalba nila ang anim na pakarera sa ilalim ng PCSO. Tinutulan nila ang naka-ambang pagkalas ng PCSO bilang pangunahing sponsor na may 12 pakarera na ginaganap taun-taon, kabilang na dito ang maiden race.

Kabilang sa mga pakarera ng PCSO ang Presidential Gold Cup at Freedom Cup na lubhang inaabangan ng "Bayang Karerista" taun-taon. Sa mabilis na aksiyon ni Philracom Chairman Angel Castano, Jr., hinarang nito ang planong pagtalikod ng PCSO sa karera na siyang dating bumubuhay sa kanila na siya namang mandato ng batas. Sa tulong at pagkontra nina Lapus at Cong. Bagatsing, sinabi nila na hindi dapat talikuran ng PCSO ang karera dahil naitayo ang charitable institution dahil sa horse racing industry.

Ang karera ang matagal na sumuporta sa sweeepstakes bago pa man magkaroon ng lotto na siyang bumubuhay ngayon sa PCSO. Sa pagdinig na ginawa sa kongreso, hinihiling ni Bagatsing na dapat ipatigil ang lottery dahil ito ang pumapatay sa sweepstakes na ang kumukita ay ang dayuhang negosyanteng mula sa Malaysia.

Last Updated on Tuesday, 24 January 2012 16:25