By A Web Design Company
Karera tatalikuran na ng PCSO?
- Tuesday, 24 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Balita - January 23, 2012
Malalagay sa krisis ang industriya ng karera sa oras na bitawan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbibigay ng suporta sa mga pakarera mula sa mga maiden horses sa bansa. Plano ng PCSO na talikuran ang pagbibigay ng suporta sa may mahigit kumulang na 10 pakarera na kinabibilangan ng Presidential Silver Cup, Presidential Gold Cup at Freedom Cup sa loob ng isang taon.
Agad naman na umaksiyon ang pamumunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pangunguna ni Chairman Angel Castano, Jr. at Executive Director Comm. Jess Cantos at idinulog sa kongreso ang napipintong pagbitaw ng PCSO. Sa pangunguna nina Tarlac Congressman Jesli Lapus at District 5 Manila Cong. Amado Gutierez na pigilan ang tahasang pagtalikod ng PCSO sa sponsorship sa mga baguhang mananakbongkabayo.
Sa paliwanag ng dalawang butihing Congressman ng Tarlac at Manila naipaliwanag na hindi pwedeng iwanan ng PCSO ang suporta sa karera dahil dito unang nabuhay ang PCSO. Kinumpirma ni Comm. Cantos na may anim na pakarera pa ang iniwan ng PCSO na susuporta sa malalaking pakarera ng lokal at imported horses sa bansa. Nais ng komisyon na maibalik ang mga pakarerang tinanggal at magagawa ito sa suporta ng dalawang magaling na mambabatas sa kongreso.
Last Updated on Tuesday, 24 January 2012 16:24



