By A Web Design Company

Freedom Cup, bibitawan sa SAP

  • PDF

Source: Balita

Itinakda ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang unang pakarera-ang 2012 Freedom Cup- sa Pebrero 25 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang naturang karera ay biaks sa lahat ng lokal na mananakbong kabayo na may nakalaang malaking premyo.

Ang Freedom Cup ay bahagi sa paggunita ng anibersaryo ng makasaysayang EDSA/na nagluklok sa poder ni dating Pangulong Cory Aquino.

Kahapon ay isinagawa na ang nominasyon sa mga lumahok na horse owners at ilalabas na bukas ang mga kuwalipikadong kalahok sa taunang pakarera ng PCSO.

Ngunit bago ang Freedom Cup, unang matutunghayan ng "Bayang Karerista" ang 2012 Amethyst Stakes race na pakarera naman ng Philippine Racing Commission (Philracom) na gaganapin sa dalawang pangunahing karerahan, Ang San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at Santa Ana Park sa Naic.

Unang matutunghayan ng publiko ang Amethyst 1 para sa 2nd Leg Imported/Local Challenge Race sa Pebrero 12 sa karerahan ng Philippine Racing Club Inc., (PRCI) sa Naic.

Ang mga kalahok ay tatawid sa distansiyang 1,700 meters na paglalabanan ng 3-Year-Old pataas na mananakbong imported at lokal.

Sa Pebrero 18 nman isusunod ang Amythyst II na paglalabang ng 3-year-olf Fillies na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona at susundan naman ito ng Amethyst III sa Pebrero 19 na sasabakan ng 3-year-old Colts kung saan ay tatawid ang magkakatunggali sa distansiyang 1,600 meters.

May nakalaang premyong tig- P500,000 event kung saan ay mag-uuwi ng P.3 milyon ang magkakampeon habang ang pangalawa ay P112, 500, P62,500 sa 3rd placer at P25,000 sa 4th placer. Pagkakalooban din ng P15, 000 ang horse breeder sa mananalong kalahok.

Last Updated on Thursday, 26 January 2012 14:32