By A Web Design Company

3 Kampeon, maghaharap sa Amethyst

  • PDF

Balita - January 27, 2012

Mahigpit ang magiging labanan sa ikalawang yugto ng Imported-Local Challenge Race na paglalabanan ng 11 kalahok para sa 2012 Philracom Amethyst I sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Pebrero 12.

Ang naturang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ay tatampukan ng tatlong kampeon ang Juggling Act at Gentle Irony sa hanay ng imported runners at Yes Pogi sa hanay naman ng local horses.

Kabilang sa mga makakalaban ng tatlong kampeon ang Doña Nenita, Forever My Love, Indy Hay, Merry, Milano, Next Big Thing, Rain shower, at Take Me Tonight.

Ang 11 nagnomina ay nakatakdang tumawid sa 1,700 meters na distansiya na may nakalaang pa premyong P.5 milyon na ang magwawagi ay pagkakalooban ng P300,000 at trophy.

Inaasahan na tatlong ang maglalaban ng mahigpit ang Gentle Irony, Juggling Act at ang local na Yes Pogi na lubhang bawas na ang dating galling nito.

Masaklap ang naging kapalaran ng Yes Pogi sa nakaraang 39th PCSO Presidential Gold Cup matapos na talunin ng Magna Carta.

Mag-uuwi naman ng P112,500 ang 2nd placer habang P62,500 ang 3rd placer at P25,000 ang 4tf placer samantalang P15,000 naman para sa breeder sa tatanghaling kampeon.

Matapos nito isusunod naman ang Amethyst II at III sa Pebrero 18 at 19 sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.

Unang matutunghayan sa araw ng Sabado ang laban ng 3 year old fillies sa Amethyst II at sa araw naman ng Linggo ang 3 year old Colt sa Amethyst III na may tig P500,000 na papremyo.

 

Last Updated on Friday, 27 January 2012 10:53