By A Web Design Company
Nagbabawas din
- Friday, 27 January 2012
- Written by Andy Sevilla
Source: Tonite
LIna ang nominado para sa HOrse of the Year sa gaganaping Philtobo Gintong Lahi Awards sa Pebrero 5 sa San Lazaro Leisure & Business Park.
Ang mga ito'y sina Chesse Mosa, Constatic, Humble Riches, Magna Carta, at Yes Pogi.
Si Yes Pogi ang defending champion sa katergoryang ito dahil sa pagkakapanalo niya ng hands-down noong nakaraang taon. Kung makakaulit siya ngayon ay isang malaking katanungan.
Ang pinka-llamado sa lahat ay si Magna Carta dahil sa pagkakapanalo nito sa Presidential Gold Cup at ilan pang malalaking stakes races noong nakaraang taon.
HIndi rin naman pahuhuli si Humble Riches, ang dominanteng 2-year-old noong nakaraang taon at isa sa mga matitinding contenders ngayon sa darating na Triple Crown Series.
Anim naman ang nominado para sa Jockey of the Year award, sina Fernando Raquel Jr., Jesse Guce, Jonathan Hernandez, Kelvin Abobo, Deo Fernandez at Val Dilema.
Dahil sa kanilang mga de-kalibreng nasakyan tulad nina Magna Carta at Humble Riches, sina jockey Val Dilema at Jesse Guce ang inaasahang maglalaban sa titulo para sa taong 2011.
Gaganapin din ang Gintong Lahi Racing Festival sa Pebrero 5 doon din sa SLLBP.
***
HIndi lang dito sa karerahan natin nagkakaroon sa pagbabawas,
Sa Turfway Park sa Amerika, binawasan ang mga stakes races para magkasya ang kanilang budget sa papremyo bago magtapos ang kanilang 2012 winner/spring meet.
Matindi kasi ang naging December holiday racing meet nila at tumaas ang mga ibinayad na mga papremyo sa mga nanalo kaya na-overbudget ang karerahan.
Ang resulta, nagtanggal sila ng apat na stakes races habang nagbawas naman ng papremyo sa dalawa pang stakes races. Tsk...tsk.. tsk...
***
Nangangaligkig sa ginaw ngayon ang ilan sa ating mga hineteng nagsisipagtrabaho sa Japan.
Masyado raw malamig ngayon sa Hokkaido at matindi ang ulan ng yelo, ayon kay jockey Miguel Recosana na nagpadala sa atin ng mensahe kamakailan.
"Negative 16 na dito at wala nga kaming pasok ngayon dahil nag-uulan ng yelo" ang sabi ni jockey Recosana.
Marami rin sila na nasabing lugar at marahil ay nagustuhan na rin nila ang mga ginagawa doon dahil maging si jockey Recosana ay magdadalawang taon nang nagtatrabaho doon.
***
Medyo pumarehas ang mga dehadong nagsipaglabasan ngayong nagdaang ilang mga araw sa karerahan.
Kaya medyo nakabawi ang mga dehadistang sadyang nag-aabang ng mga de-kalibreng kabayo na hindi napapansin ng mga llamadista.
Sabi nga ng ating "silip boy", medyo tignan na ang mga ikinikilos ng kanyang mga nasisilip tulad nina Dear John, Conquista Roll, Mr. Environment, Sunshine, Tibay ng Loob, Babe's Magic, Smarty Ryan, Ingay Ingay, My Sweet Leonora, Winning Habit, Coterminus, Znarf, Harboour Magic, Europa
Last Updated on Friday, 27 January 2012 10:51




