By A Web Design Company

Bagong handicapping, ipatutupad ng Philracom

  • PDF

Puspusan ang ginagawang pag-aaral ngayon ng mga racing lumanaries sa pangunguna ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa ipatutupad na bagong handicapping sa industriya ng karera.

Tiniyak ni Philracom Chairman Angel Castaño Jr. na magiging balanse ang lahat ng karerang ilalatag sa dalawang karerahan sa bayang karerista sa ipaiiral na bagong handicapping.

Maiiwasan din sa handicapping ang one-sided na karera na kadalasan siyang bumibikrtima sa mga maliliit na horse owner.

Tiniyak pa ni Castaño ang handicapping ay dadaan sa mahigpit na pag-aaral upang matiyak na walang maaagribiyadong horse owner at mananaya.

"Sa kasalukuyan sinasala pa ng board ang bagong ipatutupad na handicapping sa tulong ng dalawang karerahan horse owner organization at small player sa industriya," ani Castaño.

Bukod sa handicapping, kabilang din umano sa kanilang programa ang planong paglalagay ng CCTV Camera sa Board of Steward room, Jockey Quarters at bolahan sa handicapping upang sa gayun matiyak na walang magaganap na milagro.

Mahigpit din na ipatutupad ng komisyon ang batas laban sa mga lalabag sa mga reglamentong ipinatutupad ng Philracom loalo na sa pagbibigay ng lesensiya.

 

Last Updated on Tuesday, 31 January 2012 09:25