By A Web Design Company
Yes Pogi, dehado sa Amethyst
- Tuesday, 31 January 2012
- Written by KaFer Taboy
Jan. 28, 2012 - Abante Tonite
Lubhang dehado ang lokal na mananakbo laban sa mga imported sa pag-alagwa ng 2nd L:eg Imported-Local Challenge race para sa pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang 2012 Amethyst I sa bakuran ng Santa ana Park sa Pebrero 12.
Sinasabing lubhang nadedehado ang local runner na Yes Pogi dahil 10 imported ang makakalaban sa nasabing pakarera.
Mahigpit na makakalaban sa Imported-Local Challenge Race Santa Ana Park sa Naic, Cavite ang kampeon na Juggling Act at Gentle Irony sa hanay ng imported runners ng Ys Pogi.
Bukod tanging ang nag-iisang local runners na Yes Pogi ang haharap pa sa iba pang imported runner na kinabibiilangan ng ang Doña Nenita, Forever My Love, Indy Hay, Merry, Milano, Next Big Thing, Rain shower, at Take Me Tonight.
Ang mga kalahok ay nakatakdang tumawid sa 1,700 meters na distansiya na may nakalaang pa premyong P.5 milyon na ang magwawagi ay pagkakalooban ng P300,000 at trophy.
Inaasahan na hahatak ng malaking benta ang Geltle Irony kasunod ang Juggling Act laban sa imported runners. Habang ang Yes Pogi ay inaasahan na hahakot din ng benta.
Ang Yes Pogi na 2010 Presidential Cup champion ay nakalasap ng malaking kabiguan matapos na talunin ito ng Magna Carta sa kanilang tagpo sa 39th Presidential Gold Cup noong 2011.
Mag-uuwi naman ng P112,500 ang 2nd placer habang P62,500 ang 3rd placer at P25,000 ang 4tf placer samantalang P15,000 naman para sa breeder sa tatanghaling kampeon.
Last Updated on Tuesday, 31 January 2012 08:57



