By A Web Design Company

15 hinete winarningan ng Philracom

  • PDF

Source: Balita, January 30, 2012

Ipinakita na sa publiko ng Philippine Racing Commission (Philracom) kung gaano sila kaseryosong patinuin ang industriya ng karera sa bansa partikular na sa sektor ng mga hinete.

Sa ipinalabas na kautusan ng Philracom binigyan ng ultimatum ang may 15 hinete na pagbutihin ang kanilang pananakay.

Tahasang sinabi ni Philracom Chairman Angel Castaño sa Balita na binigyan niya ng warning ang 15 hinete na tatanggalan ng lisensiya sa oras na hindi magpakatino sa pananakay at patuloy na pagsuway sa kanilang ipinatutupad na reglamento sa loob ng karerahan.

Ipinarating ng Philracom sa New Philippine Jockey Association (NPJA) na pinamumunuan ni JOckey Antonio alcasid Jr. ang kanilang pagbibigay ng warning sa mga hinete na kinabibilangan nina Isaac Ace L. Aguila, Arnold Asuncion, Louie Balboa, Kenneth Bergancia, Norberto Calingasan, John Cordero, Michael M. de Jesus, Jessie B. Guce, John Alvin A. Guce, Stephen C. Lim, Edgardo D. Lumagui, Efren M. Raquel, Alejandrew F. Sullano, Ariel M. Tancioco at Jhemo G. Tinte.

Sa ipinatawag na pagdinig ni racing director Commissioner Jess Cantos, tinalkay ang mga hineteng kilalang recidivis at mga pasaway.

Ayon kay Cantos hindi sila mangingimi na ipatupad ang kaparusahan kung hindi titino s pananakay ang mga hineteng binigyan ng warning.

HIndi na bibigyan ng lisensiya ang hineteng binigyan ng warning upang hindi na makasakay sa mga regular na karera.

Bukod sa pagbibigay ng warning sa mga hinete pinatawan din ng 40 araw na karera ang dalawang hinete na kinabibilangan ni Class A jockey Fernando M. Raquel Jr. matapos pagdudahan ang kanilang mga pagdadala sa kabayo sa gitna ng laban.

Ipinaliwanag naman ni Castaño, na pabor sa mga hineteng binigyan ng warning ng komisyon dahil maidadahilan na ito ng mga hinete na hindi na puwedeng ipatalo ang kabayo dahil posible silang mawalan ng trabaho sa oras na bawian sila ng lisensiya.

"Pabor para sa kanila ang aming ibinigay na warning sa mga hinete dahil maikakatuwiran na mismo nila sa kanilang mga among horse owner o trainer na di na puwedeng silang magbiyahe lalo na kung pababain gn grupo ang kabayo"

Paliwanag ni Castaño.

Last Updated on Tuesday, 31 January 2012 10:10