By A Web Design Company
Kulang sa mga kabayo
- Tuesday, 31 January 2012
- Written by Ka Lando
Source" Bulgar
Kulang pa tayo sa Novato races. Ito ang nararamdaman ng mga karerista sa magkabilang racetrack. Nabawasan kasi ng isang araw na paglilibang ang ating karerista dahil sa kakulangan ng kabayong magsisitakbo.
Kaya dalangin dito ay magkaroon ng mas maraming novato races para matugunan ang kakulangan ng entries. Dito kasi sa novato races nagmumula ang mga baguhang kabayong tatakbo. At kung marami ngang ganitong karera ay hindi na kakapusin sa pagpasok ng entries sa kada race.
Noong Enero 24 ay may nairehistrong apat na baguhang kabayo. Pero kalaunan ay nagin lima dahil humabol ang isa pang entry. At nailarga ang novato race nang maayos. ang original na pasok sa line-up ay sina Alexis Diamond, Nobody But You, Arazir at Paris Melody.
Alinsunod sa reglamento, nakahabol si Bound For Gold para makumpleto ang limang entries. Nakahabol man siya sa pagpasok sa line-up, ay hindi siya nakahabol sa grupo. Dahil kulelat din ang inabot sa limang nagkalaban.
Ang nagwagi noon ay si Arazir na sinakyan ni E.S. De Vera. Malapit lang na dumating sa ikalawang puwesto si Paris Melody na pinaremate sa gabay ni J.E. Apellido. At tersero sa unang takbo si Nobody But You ni M.V. Pilapil.
Dikit sa ikatlong puwesto pero nauwi sa pang-apat si Alexis Diamond na bumanderitas. Siya ay nirendahan ni A.M. Tancioco. At ang sumingit na si Bound For Gold na sinakyan ni R.C. Landayan ang kumumpleto ng datingan.
KUng kinakapos ang mga kabayo ay hindi naman tayo kukulangin sa mga hinete. Katunayan ay mayroong walong apprentice jockeys ang nagpaligsahan para makapasok sa aktuwal na karera. Pero dalawa pa nga rito ang humabol dala ang mga kabayo.
Sa orihinal na line-up, ay nakalista noon sina R.C. Tablizo, R.V. Poblacion, J.B. Guerra, J.V. Ponce, A.M. Basilio, J.L. Paano, W.C. Utalla, at L.V. Cannaoay. Humabol sa listahan si D.E. de Ocampo, gayundin si B.L. Salvador.
itong si R.V. Poblacion ang nakapagsikat dahil sobrang angat ng kabayong si Lealtad. Sumegundo si W.C. Utalla na sumakay kay Kate Ganda. At tersero si L.V. Cannaoay sa ibabaw ni Windy Hour.
Last Updated on Tuesday, 31 January 2012 10:34




