By A Web Design Company

Philracom Res. No. 36-11 makabubuti ba sa karera?

  • PDF

Source: Taliba

Ang Philracom Resolution NO. 36-11 na ipinasa noong Disyembre 21, 2011 ay naglalayong pansamantalang itigil ang pagdaraos ng karera tuwing Huwebes sa magkabilang karerahan ng Santa Ana Park at San Lazaro Leisure Park.

Ayon sa Philracom, ang naturang batas ay tatagal hanggang sa huling Huwebes ng Abril 2012.

Layunin nitong mapalakas at mapaunlad ang umano'y larangan ng pustahan.

Tila nakalilito ang katuwirang ito ng Philracom sa pagpapatupad ng nasabing resolusyon.

Marahil ay may nakikita silang magandang dahilan upang ipatupad ito.

Sana'y maganda ang maging resulta nga kanilang naisipang hakbang.

Ating subaybayan, 'bayang karerista' ang magiging kaganapan pagkaraan ng Abril 2012.

At sana'y walang dahilan ang ilang pinuno ng Philracom hinggil dito.

***

Sa darating na Pebrero 5 (Linggo) ay gaganapin ang 2012 Gintong Lahi Awards at Gintong Lahi Racing Festival sa Carmona Cavite.

Inaasahang magiging makulay at matagumpay ang pagtitipong ito, maging ang mga bibitawang karera sa maghapon na tiyak na magbibigay ng kasiyahan sa bawat 'bayang karerista' susuporta sa natruang araw ng karera. 

*** 

Muli nating pag-aralan, 'bayang karerista', ang programa ng karerang nakalinyang bitawan ngayong maghapon: ang Mr. Xavier ang maliliyamado sa unang karera at pakiramdaman ang Ice Palace dahil maganda ang ikinilos nito sa ensayo; tatlong kabayo naman ang pili sa ika-2 karera, ang Dumadagundong, Don Ronaldo at Lady Galore; manmanan ang Mae West; maaring solohin ang Kidlat sa ika-3 karera; ang I'm Your Boy at Silver Glides naman ang bantayan sa ika-4 na karera subalit huwag kalimutan ang Flying Hope.

Lahat ng kalahok sa ika-5 karera ay may pag-asang makuha ang primero puwesto at ang Wolf Run at Lord Gold ang dodomina ng taya. Sa larangan ng pustahan, hinog na ang Hot Gossip upang  angkinin ang unang puwesto sa ika-6 na karera, habang mababa na sa grupo ang Tarlak.

Sa ika-7 karera ay Royal Heiress at Superior Arch ang maganda ang ikinikilos sa mga nakaraang laban subalit huwag kalimutan ang Bebot, tanging Hot at Bahala Na sa ika-8 karera; maaaring hindi na abutan sa unahan ang Arlegui sa ika-9 na karera at bantayan ang ikikilos ng Sauvignon sa larangan ng pustahan' maraming kalahok sa ika-10 karera ang nag-aabang at ang Mamadontpreach, Super Creeze at Some Like it Hit ang mag-aagawan sa unang puwesto. Nakatitiyak ang Charming Liar sa ika-11 karera at Raon, Erica's Champ at I am On Fire ang magsasara ng karera.

Good luck!

Last Updated on Tuesday, 31 January 2012 10:34