By A Web Design Company
10 Mananakbo sa Freedom Cup sa Santa Ana Park
- Wednesday, 01 February 2012
- Written by KaFer Taboy
Balita - Feb. 1, 2012
Sampung mananakbong lokal ang maghaharap sa nalalapit na unang pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Freedom Cup sa Santa Ana Park sa Naic,Cavite.
Kabilang sa mga kalahok na maglalaban-laban sa Pebrero 25 ang couple entry ni dating BIR Commisioner Atty. Sixto Esquivias IV- ang Cheese Mosa at Arvin Dugo; GO Army ni Hermie Esguerra; Wind Turbulance ni Dominic Francisco Money Queen ni Emmanuel King Jr., couple entry na Heaen Sent at Joshua's Lauhter ng Rita Pilapil stable;Barkley ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos,Yes Pogi, ng Francis G. Lim stable at The Rock na binili ni Nathaniel Velasco mula sa kuwadra ni Manny Santos.
May nakalaan na papremyo na P.5 milyon sa buenamanong pakarera ng PCSO sa 2012.
Ang Freedom Cup ay bahagi ng paggunita sa anibersaryo ng makasaysayang EDSA Uno,na nagluklok sa poder ni dating Pangulong Cory Aquino.
Bago ang Freedom Cup unang matutunghayan ng Bayang Karerista ang 2012 Amethyst stakes race na pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) na gaganapin sa dalawang pangunahing karerahan ng Manila Jockey Club ang San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite at Santa Ana Park sa Naic.
Unang matutunghayan ng publiko ang Amethyst 1 para sa 2nd Leg Imported Local Challenge Race sa Pebrero 12 sa karerahan ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa Naic.
Ang mga kalahok ay tatawid sa distansiyang 1,700 meters na paglalabanan ng 3 year old pataa na mananakbong imported at lokal na pangarerang kabayo sa bansa.
Sa Pebrero 18 naman isususnod ang Amethyst II na paglalabanan ng 3 year old Fillies na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona at susundan naman ito ng Amethyst III sa Pebrero 19, na paglalabanan ng 3 year old Colts na tatawid sa distansiyang 1,600 meters.
May nakalaang papremyong tig-P500,000 na papremyo na ang mananalo ay mag-uuwi ng P.3 milyon habang ang pangalawa ay P112,500 at P62,500 sa 3rd placer at P25,000 sa 4th placer,pagkakalooban din naman ng P15,000ang horse breeder sa mananalong kalahok.
Inaasahan naman ng PCSO na papatukin ng Bayang Karerista ang kanilang inihandang pakarera dahil pawang mahuhusay na local runner ang maghaharap sa Freedom Cup.
Last Updated on Wednesday, 01 February 2012 15:06



