By A Web Design Company

Girian Sa Garnet I

  • PDF

Source: Tonite

Magandang line-up ang nakataya sa 2012 Philracom Garnet I Stakes na sinalihan ng pitong kalahok sa Pebrero 12 sa Santa Ana Park.

Magkakaroon na ng tunay na labanan ng mga local at imported na kabayo sa ikalawang yugto ng Imported-Local Challenge Series na iniisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Sa unang pagkakataon ay sinalihan na ng isang kampeong local na kabayo ang serye na lagi nang dinodomina ang mga magagaling na imported sa bansa.

Si Yes Pogi, ang Horse of the year noong 2010, ay lumahok sa karerang ito na paglalabanan sa mahabang distansiyang 1,700 meters at siya lang ang nag iisang local horse laban sa anim na iba pang mga imported.

Sa unang pagkakataon din ay hindi na kasama ni Gentle Irony ang kanyang dating stablemate na si Juggling Act sa serye na kanilang dinomina mula pa noong 2010.

Naibenta na si Juggling Act, na tinalo ni Gentle Irony sa unang leg ng serye ngayong taon noong nakaraang buwan.

Ang iba pang mga kasali rito'y sina Dona Nenita, Indy Hay, Merry, Next Big Thing at Rain Shower.

Magandang labanan ang tiyak na mangyayari sa karerang ito dahil nabigyan ng mabigat na handicap weight na 58 kilos si Gentle Irony at 56 kilos naman ang assigned kay Next Big Thing.

Kina Rain Shower at Yes Pogi ay 55 kilos ang ibinigay habang tig-54 sina Indy Hay at Merry at 53 ang bagong saling si Dona Nenita.

Kakaunti na ang grupong puwedeng matakbuhan ni Yes Pogi kaya marami ang nagsasabi ito na ang magandang paraan upang mapakinabangan ng connections nito ang kanilang prized galloper.

Sa kabilang banda, masyadong impresibo ang anim na kabayong panalo ni Gentle Irony sa Philracom Garnet I Stakes na pinaglabanan sa 1,600 meters noong Enero .

Sumegundo si Indy Hay habang ang dati niyang stablemate na si Juggling Act ay natersero lang matapos na abutan ng una sa finish line.

Kabuuang P500,000, ang premyong inihanda ng Philracom sa karerang ito, ang pangunang premyo's P300,000.