By A Web Design Company
Gintong Lahi Awards, Racefest ngayon
- Monday, 06 February 2012
- Written by Edgar Mendez
GAGANAPIN ang Gintong Lahi Racefest at Gintong Lahi Awards ngayong Linggo sa karerahan ng Carmona, Cavite.
Siyam na Trophy Race na may nakalaang garantisadong premyong P140,000 para sa mananalo ng unang puwesto at karagdagang P20,000 kung miyembro ng Philtobo at P10,000 kung hindi miyembro, ang nakalinya sa maghapon.
Sa unang karera na tinaguriang Real Top (1998-Horse of the year), ang Hurricane Alley ang nakakasilip ng panalo; sa ika-2 karera o HObby (1999) ay magbabakbakan ang Mag Naugh Liah at Raon; ika 3 o Silver Story (2000) ang baguhang Joy Joy Joy ang susuportahan ng mga liyamadista; ang ika-5 karera o Empire King (2004) ay labanan ng Wild Storm, Brittney's Glory at Isobel; sa ika-7 karera o Real Spicy (2006) ay ang Hot ang tiyak na hahakot ng malaking taya sa larangan ng pustahan; sa ika-9 o Wild Orchid (2007) ay lutang ang Supreme Leader; sa ika-11 karera o Don Enrico (2009) ay ang Andee's Rum, Gifted Champ, Pretty Bull at Nice ang nakakalamang sa huling karera na tinawag na Yes Pogi (2010).
Ang nalalabing tatlong karera ay well-handicapped Class Division Races.
***
Gaano katotoo ang balitang nilalakad ng isang maimpluwensiyang tao na muling makasakay si Jockey Jeffril T. Zarate sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park?
Matatandaang, personal na pinakiusapan ni SLLP Chairman Alfonso Reyno, Jr. si Zarate na pansamantalang magpahinga sa pagsakay sa naturang karerahan habang iniimbestigahan ang pagkakaroon umano ng isang sindikato sa loob ng karerahan na gumagawa ng paraan upang maisaayos ang resulta ng mga karera, kung saan isa si Zarate sa mga itinuturong kasapi.
Lumipas na ang ilang buwan at hanggang ngayon ay wala pang resulta ang nasabing imbestigasyon.
Matibay ba ang dahilan ng taong ito upang hilingin kay Reyno na payagan si Zarate na sumakay uli?
Nagtatanong lamang po ang inyong lingkod.
***
May isa pang balita ang umugong sa nasabing karerahan hinggil sa pakiusap ng isang kilalalng may-ari ng kabayong malakas ang suporta sa karera at iba pang klase ng sugalan sa loob ng San Lazaro Leisure Park na palitan ang kasalukuyang chairman ng Board of Racing Steward.
Tila ang gustong ipalit ng taong ito ay ang kasalukuyang chairman ng BOS ng kabilang karerahan ng Santa Ana Park.
***
Natuloy na umano ang balak ng isan gkilalalng politiko na makipagsapalaran sa industriya ng karera.
Bumili umano ito ng ilang kabayo para isali sa karera sa Herma Farms na pag-aari ni Hermie Esguerra.
Kung totoo ito ay makabubuti ito sa industriya ng karera dahil siguradong makakahatak ito ng ilang taong gusto ring sumali sa karera ng kabayo sa bansa.
Last Updated on Monday, 06 February 2012 10:27



