By A Web Design Company

Gentle Irony vs. Yes Pogi sa Amethyst I sa SAP

  • PDF

Source: Balita

Mahigpit ang magiging laban sa pagitan ng imported na mananakbong Gentle Irony at local runner na Yes Pogi sa nalalapit na Amethyst 1 2nd Leg Imported-Local Challenge race sa darating na Pebrero 12 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Umabot lamang sa pitong kalahok ang maglalaban para sa pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) matapos ipuwera ang ibang kalahok matapos na sumama ang mga ipinakitang takbo sa mga isinagawang work out bilang bahagi ng paghahanda.

Kabilang sa mga kalahok para sa naturang pakarera ang Indy Hay, Merry, Next Big Thing, Yes Pogi at Gentle Irony.

Inaasahan na magbibigay ng malaking benta ang Gentle Irony matapos iatras sa laban ang dating couple entry na Juggling Act.

Ang mga kalahok ay nakatakdang tumawid sa 1,700 meters na distansiya na may nakalaang pa premyong P.5 milyon na ang magwawagi ay pagkakalooban ng P300,000 at trophy.

Mag-uuwi naman ng P112,500 ang 2nd placer habang P62,500 ang 3rd placer at P25,000 ang 4th placer samantalang P15,000 naman para sa breeder sa tatanghaling kampeon.

Ang labanan ng Yes Pogi at Gentle Irony ang gagawa ng bagong kasaysayan sa industriya ng karera sa bansa.

Last Updated on Monday, 06 February 2012 10:27