By A Web Design Company

Chairman Castaño, suportado ng Philtobo

  • PDF

Source: Balita

Nagpahayag ng suporta ang Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization (Philtobo) sa pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom) kaugnay sa mga isinusulong na bagong programa sa industriya ng karera sa bansa.

Sa panayam ng Tiyempista kay Philtobo President Nonoy Niles, kanilang sinusuportahan ang mga bagong programa ni Philracom Chairman Angel Castaño upang maiangat ang industriya ng karera, partikular na ang horse breeding sa bansa.

Labis na ikinatutuwa ng buong miyembro ng Philtobo ang dedikasyon ni Castaño at iba pang opisyal ng komisyon, kabilang si racing director Jess Cantos na itinutulak ang pagbabago sa loob at labas ng industriya ng karera.

Ang pagkakaroon umano ng palagiang konsultasyon at pag-uusap sa lahat ng sector sa industriya ay isang malinaw na katotohanan sa paghahangad ng komisyon na magkaroon ng pagbabago.

Nitong nakaraang Linggo, isinagawa ang 14th Gintong Lahi Awards at Racefest sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, nakapanayam ng inyong lingkod si Niles at dito ay inihayag niya ang buong suporta sa administrasyon ni Castaño dahil sa nakikita nito ang pagpupusigi ng mapabuti ang industriya ng karera sa bansa.

Marami kaming napag-usapan ni Niles at ang iba pang napag-usapan namin ay inyong matutungahayan sa mga sususnod na isyu.