By A Web Design Company
Father-and-son tandem, pinarangalan
- Wednesday, 08 February 2012
- Written by KaFer Taboy
Source: Balita
PInangunahan ng mag-amang Sandy at Michael Dragon Javier ang katatapos nath Philtobo Gintong Lahi Award na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong nakaraang Linggo.
Tinanghal na Breeder's of the Year si Sandy Javier habang nakuha naman ng kanyang anak na si Michael ang titulo ng Horse Owner of the Year .
Kinilala rin bialng Jockey of theYear si Jonathan B. Hernandez habang Trainer of the Year si Raymundo R. Henson.
Sa mahigpit na pagpili ng mga nagwagi ginawaran naman bilang Champion 2-year-old colt ang Hagdang Bato na pag-aari ni Mandaluyong Mayor Benhur C. Abalos at Champion-2-year Old Filly ang Humble Riches ni Kenneth M. Causon.
Iginawad naman ang Champion 3-Year-Old Colt sa Magna Carta bukod pa sa pagiging Horse of the Year na mula manan sa kuwardra ni Michael Dragon T. Javier.
Napasakamay naman ang Champion 3-Year-old Filly ang Constatic ni Ronaldo D. Tan; habang Champion Older Horse ang Yes Pogi ni Francis G, Lim; champion Sprinter ang Consolidator ni Jun Almeda at champion Imported horse ang Juggling Act na pag-aari ni Atty. Narciso O. Morales.
Ibinigay naman ang karangalan bilang Stallion of the Year ang Quaker Ridge na pag-aari ni Hermie Esguerra.
Ang Gintong Lahi award ay taun-taong iginagawad upang higit na mapalakas ang karera sa bansa at makahikayat ng mga mamumuhunan sa industirya.




