By A Web Design Company

End of an era

  • PDF

Source: Tonite

Dalawang matitinding sires sa buong mundo ang pumanaw na kamakailan at natapos na rin ang golden era ng mga matatandang sires.

Namatay si Repriced (iisa sa mga natitirang anak ng legendary sire na si Roberto) noong nakaraang buwan sa edad na 24 dahil sa heart attack habang ang 22 taong gulang si Boundary (ang sire ng popular na dual classic winner na si Big Brown) noong nakaraang Pebrero 4.

"It's the real end of an era with the passing of Repriced" sabi ni Darby Dan owner John Phillips. "He represented a connection to the golden era of American stallions. It's well known that my grandfather, John W. Galbreath, named Roberto (a major winner and sire) for the great Pittsburgh Pirates' right fielder, Roberto Clemente. Both Robertos were exceptional in their fields, and Repriced was a wonderful link to those great years. Though Repriced was largely retired, we are all sad not to see him enjoying his time in his paddock".

Si Repriced ay Florida-bred at galing sa isang Quack mare na si Featured Price at nagsimulang maging stallion noong 2001 matapos and 21 career run (5 panalo, 6 segundo, 2 tersero). Siya'y nakapaglahi ng 35 stakes winners at earners ng $11.9 million.

Si Boundary naman ay anak ng Claiborne stallion na si Danzig at inilibing sa farm sa Paris, Kentucky, Pensionado na itong anak ni Danzig sa isang Damascus mare na si Edge noon pang 2005.

Ang kanyang chief earner ay si Big Brown (kampeon ng 2008 Kentucky Derby at Preakness Stakes) na Champion 3-Year-Old sa Eclipse Award at nag-retire na may total earnings na $3,614,500.

Si Boundary ay may 26 na stakes winners at earners ng mahigit $35 million.

Ang kabayong ito'y nai-train ng pamosong trainer na si Bill MOtt at nanalo ng kanyang unang limang starts at lumaban pa sa iba't ibang malalaking stakes races bago nag-retire na may record na 6 na panalo, 1 segundo, at 1 tersero at kumita ng $217,777.

Tumayo ito bilang isang stallion sa Claiborne noong 1995.