By A Web Design Company

Kakulangan ng kabayo, dahilan sa pagbawas ng karera tuwing Huwebes

  • PDF

Source: Balita

Kakulangan sa pangarerang kabayo ang dahilan sa pagtanggal ng karera tuwing Huwebes.

Ito ang nakikitang dahilan ng Philippine Thoroughbred Owners and Breeder's Organization (Philtobo) sa ginawang pagbabawas ng isang araw na karera ng Philippine Racing Commission (Philracom) upang masustenahan ang tamang bilang ng mga lalahok sa pakarera sa loob ng limang araw.

"Ang lahat naman ng ito ay eksperimento hanggang Abril at sinusuportahan  ng Philtobo ang programa ng bagong pamunuan ng Komisyon" pahayag ni Niles.

Ikinatuwa rin ni Niles at ng kanyang mga kasamahang horse owners at breeders ang mga naging aksyon ng Phiracom laban naman sa mga hinete, Board of Stewards at Handicapper.

Sa ngayon, batay sa nakikitang resulta ng karera, partikular na sa Santa Ana, nasilip ang malaking kakulangan ng mga lumalahok kaya kakaunti lamang ang tumatakbo.

Sa ganitong pangyayari, nagiging one-sided ang karera at hindi nakikitang tunay na kompetensiya sa event.

Naniniwala kasi ang Philracom na kung marami ang tumatakbong kabayo ay lalaki ang benta dahil marami ang pagpipilian at hindi magiging one-sided lang.

Ang kakulangan din ng mga mananakbong kabayo ang nakikitang dahilan sa pagbagsak ng kita noong 2011.