By A Web Design Company

Sectoral meeting ng Philracom, positibo

  • PDF

Source: Balita

Positibo ang naging resulta sa inilunsad na sectoral meeting ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pangunguna nina Chairman Angel Castaño, Jr. at racing director Engineer Jess Cantos sa industriya ng karera sa bansa.

Dahil sa inilunsad na sectoral meeting, dalawang beses sa loob ng isang buwan, muling napigilan ang napipintong pagkawasak ng relasyon sa pagitan ng mga mamumuhunang horse owner at samahan sa hanay ng mga hinete at horse trainer sa bansa.

Sa pangunguna ni Castaño at suporta ng kanyang mga commissioner at iba pang mga opisyal, naitaguyod ang naturang programa.

Ang mga isyung bumabalot sa sector ng karera sa bansa na nagsisilbing kumunoy sa industriya ang muntik na maging daan sa pagkakawatak-watak tungo sa ganap na pagbagsak. Ngunit nasagip ito sa isang mahinahon at may pagkakaisang pagresolba sa kanila mga problema.

Naging armas ni Chairman Castaño ang kanyang pagiging mahusay na labor arbiter para ilunsad ang sectoral meeting.

Ang probleama ng bawat isa, mula sa horse owner, trainer, jockey, handicaper, Board of Sterward at racing club, ang inilatag upang lalong paigtingin ang mga programang ihahain na tiyak na makatutulong sa pagpapunlad ng industriya.

Katunayan, pinuri ni Philtobo President Nonoy Niles si Castaño  at ang Board ng komisyon sa pagkakaroon ng sectoral meeting na nagbigay daan upang mapag-usapan ang problemang bumabalot sa kanilang sektor.