By A Web Design Company

Sota, helper, kanalinga ng Philracom

  • PDF

Source: Balita

Nakita ni Chairman Angel Castaño Jr. ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang kaawa-awang lagay ng maramng sota at helper na siyang direktang tagapag-alaga ng kabayong pangarera sa dalawang pangunahing karerahan sa lalawigan ng Cavite.

Sa kabila ng pagiging abala sa pagharap sa malaking problema sa karera, nagawa pang tapunan ng pansin ni Philracom Chairman Castaño at iba pang commissioners na kinabibilangan nina Racing Director Engineer Jess Cantos, Lyndon Guce, Victor Tantoco, Iyo Fernando at iba pang opisyal ang mga abang sota at helper sa pamamagitan ng medical mission na isinagawa sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at Santa ana Park sa Naic, Cavite.

Sa liit ng kinikita ng mga tauhan sa sictor ng mga sota at helper, hindi na nagagawa pa nilang maipasuri at mabigyan ng atensyong medikal ang kanilang sariling pamilya.

HIgit na kahabag-habag ang mga tagapag-alaga ng kabayo mula sa mga ordinaryo at maliliit na horse owner na bihirang magpanalo dahil kadalasan ay biktima ng ilang maanomalyang handicapping.

Sa bagong programa at pinatutupad na batas, mabibigyan ng pantay na pagtrato ang lahat ng horse owner upang mabigyan ng pagkakataon ang maraming maliliit na horse owner na magwagi sa karera.

Pantay at patas na pagpapatupad ng batas ang hangad ng komisyon upang maging maganda ang karera sa bansa at hindi para sa iisa lamang.

kabilang dito ang pagpapatupad ng 'one win up' bilang kapalit ng '2 win up' upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihinang mananakbo na maging suki na sa mga grupong kinabibilangan.

Sa susunod na isyu ay tatalakayin natin kung sino ang pabor at hindi sa one win up handicapping ng Philracom.