By A Web Design Company
Med mission sa Sta. Ana
- Tuesday, 14 February 2012
- Written by Jenny Ortuoste
Source: Klik Bandera
Tulad ng medical mission na ginanap noong nakaraang taon sa San Lazaro Leisure Park, nagkaroon din nito noong Peb. 3 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Racing Commission.
Nakipag-coordinate ang Philracom sa Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Racing Club, Inc. (owner-operator ng Santa Ana Park) para sa tinaguriang "2nd wave Outreach Medical Mission" na tumulong sa 329 katao kabilang ang mga lisensiyadong sota, helper ng kuwadra, magbabakal at ang kanilang mga pamilya.
Binigyan ng priority ang mga bata, matatanda, may kapansanan at mga maybahay na naninirahan sa loob ng Santa Ana Park compound.
Ang bumuo ng Medical mission team ay mula sa Philracom: 2 medical officers, 4 volunteers na doktor, at 5 na volunteer nurses.
Ang PCSO ay nagpadala ng gamot at medical team ng 3 doktor at 3 nurses.
Ang PRCI ang tumulong sa pamamagitan ng 'feeding program' kung saan sila'y nagbigay ng lugaw at sopas para sa mga beneficairies ng medical mission.
Naghatid din ng kakaibang serbisyo ang Philracom sa kanilang "Grooming the Grooms" program, kung saan 71 katao ay ginupitan ng buhok ng libre.
Ganito sana lagi ang komunidad ng karera - nagtutulungan!
Karera lang walang personalan!




