By A Web Design Company

Dona Nenita Nagwagi sa Amethyst I

  • PDF

Source: Balita, Feb. 13, 2012

Isang matinding rally sa top of the stretch ang nagbigay ng magandang panalo sa dehadong si Dona Nenita sa 2012 Philracom Amethyst Stakes na ginanap kahapon sa Santa Ana Park.

Sakay si Jockey Val DIlema, may tatlong kabayo pang nanalo ang imported prized galloper ni Don Antonio Floirendo pagtawid ng finish line upang makamtan ang pangunang premyong P300,000 na kaloob ng  sponsor na Philippine Racing Commission.

Ito ang pinakamalaking panalo so far ng 4-year mare ng stallion na si Al Maher sa inahing Durrh at inihahanda sa laban ni trainer Renato "Egoy" Hipolito. Dinaanan ni Dona Nenita ang nangungunang si Next Big Thing upang mailista ang muli na namang pangunguna ng mga imported gallopers sa ikalwang yugto ng imported-local Challenge Series.

Sakay naman ng kapatid ni Val na si Pati ang kabayo ni Biennvenido NIles, Jr. na nakatangay ng P112,500.

Terserong dumating si Rain Shower, ang stable-mate ni DOna Nenita para ibigay sa kanilang stable ang 1-3 finish sa naturang karera na pinaglaban sa distansyang 1,700 meters. Nakakuha ito ng premyong P62,500.

Nasalba naman ni Yes Pogi, ang natatanging local sa anim na kabayong naglaban, ang quarto-puwesto  para sa P25,000 habang ang dalawa pang nagsipagtapos ay ang unang naghabol sa unahan na si Merry at si Indy Hay.

Hindi na pinasali ang isa sa mga declared entries na si Gentle Irony, na umanoy nagkaroon ng matinding injury noonng nakaraang linggo habang nasa ensayo sa pista.