By A Web Design Company
Tamang Programa Tinatahak ng Philracom
- Tuesday, 14 February 2012
- Written by KaFer Taboy
Source: Balita, Feb. 13, 2012
Sa halos apat na buwan na panunungkilan ng bagong pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom) na pinangungunahan ni Chairman Angel Castaño Jr., nasa tamang programa ang tinatahak ng komisyon para sa industriya ng karera sa bansa.
Patunay ito sa mga positibong reaksiyon mula sa iba't ibang sector ng industriya partikular na sa mga kapiutalistang horse owner.
Ang ginawang paglilinis sa loob at labas ng industriya ng Philracom ay naghatid ng kumpiyansa sa bayang karerista na magpatuloy sa pagbibigay ng suporta sa itinuturing na king of sports ng bansa.
Ang tamang programa na siyang isinusubo ng komisyon sa industriya ang nagiging daan ng isang malaking pagbabago at pagpapanumbalik sa lakas ng benta sa takilya.
Gaya na lamang sa mga isinagawang paglilinis sa Board of Steward at handicapper, gayundin sa hany ng mga hinete ang matatawag na isang seryoso at malinaw na programa ng komisyon sa sadyang naghahangad ng isang tunay na matuwid na landas.
Ang pagiging nina Chairman Castaño at Racing DIrector/Commissioner Jess Cantos ang siyang kumakatawan sa isang matinong gobyerno.
Marami na ang naisakripisyo nina Castaño at Cantos para lamang maihatid ang tamang serbisyo sa bayang karerisista.
Sa sectoral meeting ng sector ng mga mananaya ay puwedeng makinig at magbigay ng puntos na isinasagawa ng dalawang beses sa loob ng isang buwan.




