By A Web Design Company

Ruby Gentry

  • PDF

Source: Bulgar, Feb. 13, 2012

Itong si Ruby Gentry ang nagpadehado ng husto sa ating karera noong sabado nag hapon, Sa panalo, ay nagkaroon ng carryover sa ating winner take-all na umabot ng P898,587 na naikarga kahapo ng linggo.

Lumaki rin ang dibidendo sa dalawang pick five ang una ay sa ikalawa at ito at sinundan sa last set nito. Ang P129,867 ang naging pabuya sa second set ng pick five ay ito ay lumaki pa sa P148,491 sa last set.

Ang isa pang nagpadehado sa karera ay si Major Major na nanalo sa isang class division-5. Sinundan ang panalo niya ni RUby Gentry kaya marami ang nalaglag sa ating exotic bettings.

Sa unang karera ay si New Empire na diala ni A.M. Tanicioco ang nag-wagi. Forecast niya si Princess Wenda ni J.B. Cordova at tersero si Silent Power ni G.M. Mejico.

SIna Lambing Pinay at ZIninner ang kumumpleto ng pentafecta.

Isa si Nice na malayong nagwagi sa mga karera. Tinalo niya sa pagpaparemate si Think Thank ni A.N.Mamaril bago dumating sina Speed Maker at Beau Erin. Ang panalo niya ay sinundan ni State Witness at forecast si Lealtad.

Nadaig naman ng malayong tersero liyamadong si Gold Cugat ang paboritong si Dy San Diego sa isang special handicap race. Pumangatlo si Royal Viva. Si Risen Sun ang hugando sa isa pang special class divisions-13AB merged. Forecast si Amphorae.

Makaraan ang mga nagdaang karera ay magkasunod na nagwagi sina Major Major at Ruby Gentry.

Sa kasunod na karera na isang special handicap race ay si DIvine ang nanaig kay Tritanic na segundo at My Promise na Tersero.

Dito sa isang class division-1B ay si Tiago ni J.T. Zarate ang nanalo. Sumegundo sa kanya si Reality Show ni JA. Guce bago dumating sa trifecta si Grand Game ni J.G. Serrano. Quartet rito si Touch Of Class bago si Best Strike sa pentafecta.

Sa panultimate card ay itong si Hot Gossip ni J.B. Cordova ang nanalo. Dumating sa ikalawang puwesto si Katmae ni Den Camañero.

At sa huling karera ay itong si Friendly Fire ang siyang nanalo. Forecast niya si Bebot bago si Royal Heiress sa tersero puwesto.