By A Web Design Company

Chairman Castaño, suportado ng Philtobo

  • PDF

Source: Esports Extra

Suportado ng Philippine Thoroughbred Owners and Breeder's organization (Philtobo) ang pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom) kaugnay sa mga isinulong na bagong prgrama sa industriya ng karera sa bansa.

Sa panayam na isinagawa ng EsportS Daily Xtra kay Philtobo President Nonoy Niles, na kanilang sinusuportahan ang mga bagong programa ni Philracom Chairman Angel Castaño upang maiangat ang industriya ng karera particular na ang horse breeding sa bansa.

Labis na ikinatuwa umano ng buong miyembro ng Philtobo ang dedikasyon ni Castaño at iba pang opisyal ng komisyon kabilang si Racing Director Jess Cantos ang itinutulak na pagbabago sa loob at labas ng industriya ng karera.

ang pagkakaroon umano ng palagiang konsultasyon at pag-uusap sa lahat ng sector sa industriya ay isang malinaw na katotohanan at paghahangad ng komisyon na magkaroon ng pagbabago.

Nitong nakaraang Linngo isinagawa ang 14th Gintong Lahi Awards at Race Fest sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Nakapanayam ng EsportS Daily Xtra si Niles at dito ay inihayag niya ang buong suporta at administrasyon ni Castaño, dahil nakikita nito ang pagpupursige na mapabuti ang industriya ng karera sa bansa.

Sa isinagawang Gintong Lahi Race Fest, siyan na trophy race ang binitiwan nitong Linggo sa SLLP sa Carmona, Cavite.

Ang binitawan ay kinabibilangan ng Real Top (1998-Horse of the year), Silver Story (2000), Empire King (2004), Real Spicy (2006), Wild Orchid (2007), Don Enrico (2009), at Yes Pogi (2010) trophy race.

Si horse owner Mayor Sandy Javier ang tinanghal na horse owner of the year ng Philtobo.