By A Web Design Company
3YO, tampok sa Amethyst races
- Tuesday, 14 February 2012
- Written by KaFer Taboy
Source: Balita, Feb. 14, 2012
Anim na tulog na lang at matutunghayan na ng "Bayang Karerista" ang umaatikabong paghataw ng 3-Year-Old sa Amethyst 2 at 3 sa bakuran ng San Lazarto Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang Amethyst 2 ay bibitawan sa Pebrero 18 (Sabado) na paglalabanan ng Fillies kung saan ay tatawid ang mga ito sa distansiyang 1,600 meters.
Gaganapin naman ang Amethyst 3 sa Pebrero 19 (Linggo) sa naturang karerahan na paglalabanan ng 3_Year-Old Colts na tatawid rin sa distansiyang 1,600 meters.
Ang dalawang pakarera ng Philippine Racing Commission ay may nakalaang premyong P500,000.
Ang mananalo ay pagkakalooban ng P300,000 premyo at tropeo, mag-uuwi naman ng P112,500 ang 2nd placer at P62,500 ang 3rd placer habang nakalaan naman ang P25,000 sa 4th placer.
Tatangap din ng P15,000 ang horse breeder sa mananalo sa naturang karera.
Last Updated on Tuesday, 14 February 2012 12:47



