By A Web Design Company
Pogi talo kay Nenita
- Tuesday, 14 February 2012
- Written by Ka Lando
Source: Bulgar, Feb. 14, 2012
Marami talaga ang natalo kay Yes Pogi. At walang binatbat sa halina ni Doña Nenita na nagwagi sa Amethyst-I ng imported vs. local challenge race. At marami ang nagtaka na natsope si Pogi kay Nenita.
SUper-mega outstanding favorite si Yes Pogi na halos mahigit 90 porsiyento ng mga taya sa iba't ibang klase ng betting options ay nasa kanya. Kaya nang hindi nakita ang kapogian na si Yes Pogi ay maraming karerista ang hindi maipinta ang mukha.
Kay Nexty Bigh Thing pa nga na pilit hinahabol si Yes Pogi ay hindi na siya umubra. At walalng anumang nilampasan sila ni Doña Nenita na mahusay na gabay ni Val Dilema. SUmegundo pa si Next Big Thing ni Pat Dilema at sa trifecta si Yes Pogi.
Isa lang si Doña Nenita na masasabing dehado. Pero ang pinakadehado na nagwagi noong luinggo ay si Golden Money na umibabaw sa isang class division1C. Longest shot si Golden Money at ang dehadong si WOnder Joyce ang forecast niya.
At dahil nakapaloob sa second set ng winner-take-all ang dalawang dehadong umabot sa P47,693 ang naging dibidendo. Sa unang set ng winnmer-take-all ay P6,844.
Nagsimula ang karera sa panalo ng super-liyamadong si GOlden EMpire na diala ni K.E. Malapira. Kasunod na nagwagi ang paborito ring si Live in Manila ni E.C. Tolentino at kumuha ng ikatlonhg panalo ang liyamado ring si Arlegui sa ikatlo.
Sa three-year-old maiden ay itong si Lasting Rose na nirendahan ni J.B. Guce ang nanaig. Sumegundo ang dehadong si Alexis Diamond bago tersero si Yes Miuss. Pasok sa quartet si Blusher bago si Uptown Girl sa pentafecta.
Kasunod na nagwagi si Matter of Honour sa class division-1 Itong si Classical Bid ang hugando para sa Santa Ana Park Special Condition. Si Golden Pyamid ay hugando sa class division-3 at segunda lang sa kanya si Cheerleader.
Ang isa pang malayong manalo ay si Bahala Na na dinala ni J.B. COrdova. Sinundan ng panalo ni Sharp Cookie sa class division-2. Si Mr. Xavier ang nanaig sa penultimate card at tinapos ni Magnolia's Classic ang pang-huling karera.




