By A Web Design Company

Chairman at Commissioner Cup, inaabangan

  • PDF

Source: Balita, Feb. 16, 2012

Hindi pa man natatapos ang pakarera ng Philippine Racing Commission na Amethyst 2 at 3 na gaganapin sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, itinakda na ng komisyon ang kanilang magkasunod na karera sa buwan ng marso.

Sa darating na Marso 10 at 11 hahataw ang Commissioner's Cup at Chairman's Cup sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang Chairman's Cup at Commissioner's Cup at Commissioner's Cup ay inaabangan na ng "Bayang Karerista" bago ang nalalapit na Triple Crown Championship.

Unang aalagwa ang 2012 Philracom Commissioner's Cup na paglalabanan ng mga lokal na kabayo na may edad 4 pataas.

Ang nasabing karera ay handog kay Commissioner Eduardo Galang kung saan ang magkakalabanan ay lalarga sa distansiyang 1,900 meters.

May nakatayang P1 milyon premyo sa nasabaing karera tinawag na Commissioner Galang Cup na ang magwawagi ay tatangap ng mahigit na P.7 milyon map P270 naman sa 2nd placer, P150,000 sa 3rd placer at P50,000 sa 4th.

Sa Marso 11, hahataw naman ang Chairman ROjas II cup na paglalabanan naman ng 3-Year-Old local runners.

Mag-uusi ng P1.2 milyon ang tatanghaling kampeon habang P450,000 sa ikalawa, P250,000 sa 3rd placer at P150,000 sa 4th placer