By A Web Design Company

Nabitin ang Dibidendo

  • PDF

Source: Bulgar, Feb. 17, 2012

Isa pa sa nadehado ng bahagya ay si Just Awesome. Medyo nailiogaw ang mga karerista ng may magsabi sa mga race analyst na posibleng maiwan ang isang ito sa largahan dahil baka mainip sa kanyang stall no. 1 na unang papasok.

Nakalusot si Just Awesome kay Symphony na siyang nanguna sa rekta, mga ilang metro na lang ang layo sa pagsapit sa meta. Tersero si Elusive Cat at pang-apat si All in bagosina Virtual Angel at Hurricane Alley.

Hindi natin masasabing nagtago si "small lady" na hinahanap ng mga tao. Noong Miyerkules ay nagpakita siya, hindi lang sa mga karerista kundi sa kanyang mga kalaban. Si Small Town Lady ang unang naglista ng panalo sa pambungad na karera.

Hugando si Royal Blood sa isang class division-4 Sumegundo si Super VIce bago sa trifecta si Tabelle. SIna ROad Master, Sweet Victory at Jamal ang kumumpleto ng Super Six.

At sa huling karera ay si Jackshow King ang nakapagbida. DUmating sa ikalawang puwesto si Apple Green at sa trifecta si Golden Hue sa quartet si Savour d' Champagne.