By A Web Design Company

P1.2, nakalaan sa Freedom Cup

  • PDF

Source: Balita, Feb. 17, 2012

Mahigit sa P1.2 milyon ng premyong nakalaan sa nalalapit na pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Freedom Cup- na gaganapin sa Pebrero 25 sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang karera ay tatampukan ng mga kabayong lokal na pawang naging kampeon sa pangunguna ng couple entry na Arvin Dugo at Cheese Mosa, Go Army, WInd Turbulance, Money Queen, couple entry na Heaven Sent at Joshua's Laughter, Barkley, YEs Pogi at The Rock.

Mag-uuwi ng P.7 milyon ang tatang-haling kampeon habang P300,000 naman sa ikalwang posisyon.

Tatangap din ng P175,000 ang ikatlong puwesto habang P85,000 naman sa 4th Placer.

Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 1,600 meters at inaasahan na mahigpit na maglalaban sa unahan ang couple entry nina dating IBR commissioner Sixto Esquibias at Rita Pilapil na parehong Triple Crown winners.

Sa mga kalahok, nakatuon din ang pulso ng mga kareresita sa mga kampeon na Barkley ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos at Yes Pogi ng Lim Stable.

Hindi naman nakalimutan ng PCSO na bigyan ng katiting na premyo na P50,000 ang Horse Breeder ng mananalong kalahok.

Hindi naman nakalimutan ng PCSO na bigyan ng katiting na premyo na P50,000 ang horse breeder sa mananalong kalahok.

Bukod sa Freedom Cup, aabangan din ng publikong karerista ang nalalapit na pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang COmmissioner's Cup at 2012 Chairman's Cup- sa Marso sa nabangit ding karerahan.